“Wala-wala akong app, hindi pa ako nakakapanood,” sagot kaagad ni Senator Jinggoy Estrada sa tanong namin kung anu-ano nang pelikula sa VMX dating Vivamax ang napanood niya.
Ba’t niya nalamang may mga erotic scene sa mga palabas sa nasabing platform?
“Somebody showed me a video clip, ahh mga erotic scene. Ok lang naman ‘yun, pero ang tanong ko, sino ang mga nakakapag-access. So tinanong ko kung nakaka-access ang mga minor, sabi yes. That is the concern. That is my major concern: bakit pati minors, nakaka-access. That prompted me to deliver a privilege speech sa Senate,” paliwanag niya.
Pero nagkausap na raw sila ni VMX Boss Vincent del Rosario at nagkaayos na. Ganundin sina Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Lala Sotto at Boss Vincent.
“Ang alam ko meron na silang kasunduan, to self-regulate ‘yung kanilang mga film noon pa,” impormasyon pa ni Sen. Jinggoy sa ilang kaharap na entertainment media.
Pero meron na raw pending bill sa senado upang lumawak ang power ng MTRCB at masakop ang mga streaming platform.
“We have pending bills sponsored by Senator Robin Padilla to expand the powers of MTRCB.”
Mga kelan ito Sen. Jinggoy?
“Soon, it may be next year. Ano na, baka… status of the bill, under the period of Interpolation.”
Pero sa proposed bill kasali lahat ng streaming platforms?
“Kung lahat, ang sabi ng MTRCB, hindi nila ito kakayanin.
“How can they monitor and regulate all streaming platforms, eh, and dami-dami niyan… wala silang manpower.”
But anyway, siya ba naaapektuhan pa ng bashers since na-bash siya nang mag-speech tungkol dito?
“Immune na ako sa mga basher.”
“They can bash me every day, every minute, every second; I don’t care, hindi ko sila papatulan.
“Alam mo kung bakit? Basta wala ka namang ginagawang masama, basta ginagawa ko ‘yung trabaho ko, ok na ako, basta hindi nang-aagrabyado ng tao,” katwiran pa ng senador / aktor.
Lalaban lang daw siya sa bashers and trolls kapag marami nang inaapi.
Maalalang humarap si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada noong Disyembre 16, 2024, upang kondenahin ang streaming platform sa pagbaha raw sa digital space ng mga pelikula at palabas na hindi angkop sa mga kabataan.
Aniya, kinikilala niya ang artistic freedom ngunit binigyang-diin niya na dapat itong magkaroon maging mahigpit sa mga minor de edad.
Anyway, sinabi naman niyang “I will cross when I get there” nang tanungin ko kung may possibility ba na mag-comeback rin siya sa pelikula next year, 2025.