Aksidente ng Jeju Air, iniimbestigahan pa rin

Hindi mo talaga akalain na nasa ibaba ka na, I mean, lalanding na lang, dun pa pala sasabog ang eroplano.

Nakakaloka talaga ang nangyari sa Jeju Air na kumitil ng buhay ng 179 na pasahero.

Hindi mo talaga akalain na nasa ibaba ka na, I mean, lalanding na lang, dun pa pala sasabog ang eroplano.

May sakay na 181 pasahero at crew members ang nasabing eroplano na bumangga sa isang konkretong pader noong Linggo ng umaga habang nag-emergency landing sa Muan International Airport sa South Jeolla Province dahil sa malfunction daw ng landing gear.

Ang nakamatay na insidente ay nag-iwan lamang ng dalawang nakaligtas - parehong crew members.

Pero sabi nga sa mga balita, hindi pa alam ang eksaktong dahilan ng aksidente at kasalukuyan pang iniimbestigahan, ngunit sinabi ng mga opisyal ng South Korean Transport Ministry na naglabas ang control tower ng bird strike warning ilang minuto bago ideklara ng mga piloto ang isang mayday (signal distress) at nagtangkang lumapag.

Ang twin-engine na Boeing 737-800 ay tila lumapag sa runway bago raw nadulas sa pader at nagliyab.

Hay kung kailan naman bagong taon.

Imagine galing lang sila ng Thailand, kung tutuusin ang lapit lang sa South Korea, pero walang nakauwi sa kanilang mga tahanan.

Ayon naman sa analyst ng arline industry, mukhang lumapag ang eroplanong ito na napakabilis. Marami rin daw mga katanungan kung bakit ganun ang ang nangyari : kung nagkaroon ng hydraulic failure o kung ang lahat ay nangyari nang napakabilis, kung talagang mayroong isang bird strike at ang mga ibon ba ay natusok sa parehong makina?

Nakakalungkot talaga.

Ang ganda pa naman ng Jeju Island na minsan na naming pinasyalan nila Salve.

Very laid back pero ang ganda ng mga lugar na madalas nating marinig na puntahan ng mga gustong mag-relax na mga Koreano.

Matagal-tagal na akong hindi nagbibiyahe dahil sa edad ko ngayon na sobrang tamad ko na at siyempre, mahina na rin ang katawan dahil sa pagpapa-dialysis ko twice a week.

Mas gusto ko nang matulog, kumain at siyempre manood ng mga Korean drama ng mga paborito kong aktor na hindi ko maalala ang mga pangalan pero natatandaan ko ang mga hitsura ng mukha.

Hay naku. Ipagdasal na lang natin ang mga nasawi sa nasabing airline tragedy.

Show comments