Pretty actress, nabuntis ng karelasyong aktor!
Preggy na raw ang isang pretty actress at ang boyfriend nitong actor ang ama nang kanyang ipinagdadalang-tao. Marami ang hindi na nagulat sa balitang ito dahil kung mag-PDA ang dalawa, ganu’n na lang.
Kahit may mga press sa kanilang paligid, sige sila sa paglalambingan.
May mga nanghihinayang lang sa aktres at aktor dahil kahit papaano, maaapektuhan ang kani-kanyang career sakaling totoo ang tsikang ito.
May TV series ang aktres ngayon at may pelikulang for showing next year. Kung buntis siya, lalaki ang tiyan, paano siya magpo-promote?
Ganu’n din ang aktor, may mga upcoming projects siya na hopefully, ituloy pa rin ng film company kung saan siya nakakontrata.
Saka, kung totoong buntis ang girlfriend niya, lalong kailangan niyang may trabaho para sa kanilang baby?
Inaabangan na nga kung aaminin ng dalawa na buntis ang aktres at kung ano ang kanilang mga plano.
May kasalan bang mangyayari? O, manganganak muna ang aktres bago ang kasal.
In fairness, pretty baby tiyak ang magiging anak ng showbiz couple na ito dahil maganda ang aktres at guwapo ang aktor na may dugong banyaga.
Angeli Pangilinan nasaktan sa bad comments ng mga taga-industriya
Pinasalamatan ni Angeli Pangilinan-Valenciano ang mga nakabili ng tiket sa December 20 concert ni Gary Valenciano na hindi na humingi ng refund. Katuwiran nila, hindi kasalanan ni Gary na after one hour, itinigil nito ang concert dahil nagsusuka na siya at hindi na kayang mag-perform.
Katuwiran ng mga ayaw magpa-refund, hindi kasalanan ni Gary na itinigil ang concert, kesa itinuloy at may grabeng nangyari sa kanya. Para sa kanila, walang panlolokong ginawa si Gary at ang Manila Genesis na nag-prodyus ng concert.
Sabi naman ni Angeli, “Awww thank you! We have no intention not to refund to those who were angry or dissatisfied. Gary jusr was sleeping for two and a half days! Dec 23-25! He would wake up then sleep again. He got IV infusion at Novotel Monday for four hours then again in Antipolo on Tuesday. That’s when his endocrinologist wanted us to consider re-admission. Refunding tickets was not on my mind that time or any other business matters because of his condition.
“I apologize to all those who felt binalewala namin sila. That was farthest from the truth. He told me on Sunday he couldn’t do the concert. Imagine my shock.”
Kahit sinabi na ni Paolo Valenciano at ni Angelie at kahit naglabas na ng statement ang Manila Genesis na magbibigay sila ng initial refund, may mga ayaw pumayag. Full refund ang hinihingi nila at hanggang ngayon, bina-bash pa rin nila ang Valenciano family.
May nabanggit lang si Angeli na nalungkot siya dahil pati ilang taga-music industry may mga bad comments sa nangyari.
“I couldn’t sleep because of all the bad comments some of who were even from the music industry... I was so hurt! But to be fair, the fan said sorry. Pero ang sakit sakit,” pag-amin ni Angeli.
Hindi na binanggit ni Angeli kung sino ang mga taga-music industry na nag-comment ng negative sa nangyari kay Gary.
Sa galing ng netizens na mag-check online, mahahanap at malalaman din nila kung sino sila.
Dongyan, sinuportahan sila Dennis at Ruru
Ang cute lang, kasama na nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang mga anak na sina Zia at Sixto Dantes sa renewal of vows nila sa 10th wedding anniversary nila, kahapon, December 30. Nakaharap sa kanilang mga magulang ang dalawang bata habang nasa harap sila ng pari.
Anyway, noong Dec. 29, pinanood nina Dingdong at Marian ang Green Bones, ang 2024 MMFF entry ng GMA Pictures, GMA Public Affairs at Brightburn Entertainment. Ikinatuwa ito ng Kapuso fans dahil sinuportahan ng mag-asawa ang pelikula nina Dennis Trillo at Ruru Madrid.
- Latest