Ruru, gusto na ring maging producer; bossing ng Beautederm, may pa-block screening sa mga endorser

Ruru, Rhea at Dennis
STAR/ File

Malaking bagay sa mga entry ng ginaganap na #MMFF50 ang mga nagaganap na block screening.

At isa sa mga sumuporta sa pamamagitan ng block screening ang celebrity entrepreneur na si Rhea Tan na nag-organize and sponsored a block screening ng Green Bones at SM Telebastagan in San Fernando, Pampanga.

Dinaluhan ito ng lead stars ng pelikula na sina Dennis Trillo and Ruru Madrid (Beautéderm endorser).

At grabe ang iyak sa pelikula ni Ms. Rei. Makikita ngang lumuluha siya habang nanonood ng MMFF Best Picture na nagpanalo rin ng Best Actor and Best Supporting actor for Dennis and Ruru respectively.  “This is one of the most beautiful films I have seen in years. The actors did a wonderful job. This is the type of movie that the entire family should watch,” sabi pa ng batang President and CEO ng Beautederm Corporation.

Dagdag pa niya : “Every MMFF, I commit to hosting a block screening of my endorsers’ film entries. It’s also my way of supporting the film industry, and it allows the entire Beautéderm team to bond over movies.”

Bukod sa Green Bones, mag-i-sponsor din siya ng block screenings of  The Kingdom, Espantaho, Topakk, and Hold Me Close bilang suporta endorsers niyang sina Piolo Pascual, Lorna Tolentino, Arjo Atayde, Sylvia Sanchez, and Carlo Aquino.

Samantala, inamin ni Ruru na nag-inspire na rin siyang makipag-co-produce tulad ng kumpanya nina Dennis at misis nitong si Jennylyn Mercado (Brightburns) na co-producer sa Green Bones. “Well, ever since naman kasi I guess parang bagong model na sa generation po ngayon, na parang ‘yung mga actor they are producing their own films so that at least mas mababantayan mo rin ‘yung mga project na ginagawa mo, ano ‘yung mga ilalagay dito, ano ‘yung ganyan. I guess, at this point in time, it’s a matter of collaboration, na dapat lahat may boses. So, hindi lang basta kung producer ka, director ka, artista o sino man, dapat may boses ka,” sabi ni Ruru nang makausap namin sa special screening ng award winning movie nila noong bago ginanap ang Gabi ng Parangal.

So, mga kelan ‘yan? “Hopefully, after this film. Sana po magkaroon po tayo ng oportunidad. Sobrang na-inspire ako kay kuya Dennis dahil nakapag-produce ng ganito kaganda at dekalibreng pelikula. So yeah, hopefully soon po.”

Nauna na ring sinabi ni Dennis na hindi siya aniya umasa na mananalo siya ng Best Actor.

“Parang for me kasi nung ginawa ko po itong project na ito, hindi naman po para sa goal na dapat manalo ako o kung ano man. In-offer sa ‘kin itong project na ito, malinaw sa akin na it’s an art film. Hindi po siya the usual sa mga ginagawa ko na teleserye dahil dito parang, you know mapasama lang sa team, from the writers, producers, director, co-actor, parang isang karangalan na. So, saan man po ako malagay, malagay man ako o hindi wala pong problema as long as mapanood po ito ng mga tao.”

Show comments