Sylvia, more apos ang wish next year

Sylvia Sanchez at Arjo Atayde.
STAR/ File

Hindi naging madali para kay Sylvia Sanchez ang nagdaang Kapaskuhan. Bilang producer ng pelikulang Topakk ay naging abala ang aktres sa kabi-kabilang ganap ng Metro Manila Film Festival 2024. “Nag-spend kami ng Christmas sa bahay ng biyenan ko. Dapat nando’n na kami ng 10 o’clock. Hindi ako nakatayo ng 10.pm., 10:30 p.m. May sakit pa ‘yung apo ko, ‘yung anak nina Z (Zanjoe Marudo) at Ria. So ang nangyari inalagaan ko and at the same time, telepono ko may meeting hanggang 11:20 p.m. So hindi ako nakakain ng Noche Buena,” nakangiting kwento ni Sylvia.

Bilang isang ganap nang lola ay hindi raw maatim ng beteranang aktres na may sakit ang kanyang apo. “No’ng gabing ‘yon ang ginawa ko, niyakap ko na lang ‘yung apo ko, hinalikan ko. At ang sabi ko, ‘Akin na lang ‘yung sakit mo’ the whole time. ‘Yon pa lang masaya na ako. Kinabukasan dapat meron kaming get-together, buong Atayde party ng 3 p.m., hindi ko nagawa ‘yon, wala kami. First time ‘yon after 34 years. Ngayon lang kami hindi talaga nakasama dahil sa Metro Manila Film Fest,” paglalahad niya.

Sa pagpasok ng bagong taon ay mayroon umanong hinihiling si Sylvia para sa sarili.

Ang aktres ang nagmamay-ari ng Nathan Studios na isang production company. “More apos, kay Arjo, bahala sila. Si Arjo at Ria, bahala sila. more projects for Nathan. Happiness, peace of mind, tulog,” pagtatapos ng beteranang aktres.

Juday, ayaw magplano sa 2025

Masayang-masaya si Judy Ann Santos dahil muling nakasungkit ng Best Actress Award sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2024 Gabi ng Parangal kama­kailan. Matatandaang si Juday rin ang nanalong Best actress noong MMFF 2019 para sa pelikulang Mindanao.

Kasamahang bida ng aktres sa pelikulang Espantaho sina Lorna Tolentino at Chanda Romero.

Para sa MMFF 2024 Best Actress ay importanteng malaman ng kanilang buong grupo ang reaksyon ng mga manonood tungkol sa bagong pelikula. “I’m very, very happy sa lahat ng magagandang reviews ng tao, even the not so good ones. We welcome and we respect everybody’s opi­nion and it is what it is, gano’n talaga. ‘Yung mapabilang ka sa sampung pelikula sa 50th Metro Manila Film Festival is a gift on its own. I’m super happy to be here,” giit ng premyadong aktres.

Sa susunod na taon ay umaasa si Judy Ann na muling makagagawa ng mga makabuluhang proyekto. “Of course, more good projects, more time with my kids and my husband, and we’ll see. Kasi ayokong nagpaplano, mas maganda ‘yung mga sorpresa. Like Espantaho was a big surprise for me for 2024. It wasn’t part of the plan. So, I guess parang gano’n ‘yung mangyayari. Ayoko na mag-plan and I’ll just go with my gut. Kasi gano’n lang naman ‘yung nangyari dito sa Espantaho and it worked. It was perfect, hindi lang kami maraming cast but it’s a beautiful cast. I’m so proud of this project,” pagtatapos ni Juday.  (Reports from JCC)

Show comments