Aga, inaming ‘di umasa sa award; eugene, hindi na bago ang acting?!

Aga Muhlach
STAR/ File

Grabe ka-active ng mga sumusuporta kina Vice Ganda at Vilma Santos sa paglalabas ng kanilang sentimyento sa Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal 2024! Did they really expect Vice to win over Dennis Trillo?

With the almost 15 minute-aria of Vice sa And The Breadwinner Is…, parang mas pang-FAMAS ‘yun o PMPC Star Awards than with the MMFF jury.

Ano sa tingin n’yo?

‘Yung kay Ate Vi naman, ang sambit ng mga kritiko, sa hina niyang ‘yun na halos hindi nga mahawakan ang baril, maiisip mo talagang makakaya niyang ma-orchestrate ng lahat nung nangyari sa pelikula? Talaga ba? Kung kasama sa Urian ang head ng MMFF jury, ‘wag na rin talagang umasa ang Vilmanians na magwagi pa ang idolo nila sa Urian this year.

Bakit, last year ba umasa sila para sa When I Met You In Tokyo? Hindi naman din yata.

Si Aga Muhlach, bakit hindi siya na-nominate man lang?

Ang sagot diyan ay tanong din, kailangan ba kapag malaking artista, automatic na nominated na? Hindi ba puwedeng, he just didn’t make the grade?

Pati naman si Aga, sinabi niya sa interviews na hindi naman siya umaasa sa mga award na.

Si Eugene Domingo naman, hindi naman na rin siya nag-e-expect ng kahit na ano kasi ‘yung ginawa naman niya sa dalawang pelikula niya ay nagawa na niya sa iba pa niyang pelikula – ang kaibahan lang, malalakas din talaga ang mga nominado sa Best Supporting Actress this year, ‘di ba – Lorna Tolentino, Chanda Romero, Nadine Lustre, Cristine Reyes, Gabby Padilla and the winner is Kakki Teodoro.

At this point, sana panoorin pa lalo ang entries – nanalo man o hindi, dahil doon lang tayo mananalo bilang manonood na Pilipino!

Show comments