^

PSN Showbiz

Moira, hindi nagkaroon ng hit song pagkatapos ng hiwalayan nila ng mister

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Moira, hindi nagkaroon ng hit song pagkatapos ng hiwalayan nila ng mister
Moira dela Torre

Pinakawalan na raw ng Cornerstone Entertainment ang singer-songwriter na si Moira dela Torre sa hanay ng mga talent nito.

Totoo kaya ang mga kumakalat na intriga na dahil daw ito diumano sa attitude problem ng Paubaya singer?

Matagal na itong mina-manage ng Cornerstone pero ‘yun nga, kamakailan ay kumalat ang isyung binitawan na ito ng management niya.

Ayon sa mga kuwento, bukod daw sa attitude problem nito ay naging deman­ding daw ito.

Isa sa nagpalakas ng haka-hakang ito ay nang makita ng mga matanglawin na mga netizen na hindi na ito fino-follow ng Cornerstone na mukha ngang hindi maganda ang naging hiwalayan ng dalawang kampo.

Marami raw kasing kumakalat tungkol sa pagiging “ate chona” raw nito na ibig sabihin ay ma-attitude raw kaya tingin ng mga netizen ay mukhang may katotohanan daw talaga iyon.

May mga nagbahagi rin kasi ng kanya-kanya nilang experience sa singer-songwriter kaya hindi nila maiwasang maniwala.

May mga nalungkot naman na pagkatapos daw kasi ng hiwalayan nito sa ex-husband niyang si Jason Hernandez ay wala na siyang masyadong hit songs.

Mukhang totoo raw na ang ex ang mas may songwriting skills kesa sa kanya na maaalalang naintriga si Moira na merong ghostwriter sa likod ng kanyang mga kanta.

Aliw naman ang mga komento ng iba na nakakaantok na raw kasi ang mga kanta nito at dapat na raw itong mag-imbento ng masasayang kanta.

Hirit pa nila ay mukhang kailangan daw nito ng vitamins dahil sobrang tamlay nito kaya tumamlay na rin ang career.

‘Kaloka.

Sey naman ng iba ay ganun daw talaga sa showbiz. Kaya hindi na pwedeng mag-attitude ngayon dahil napakabilis lang ng mga palitan ng talent ngayon noh.

‘Wag sayangin ang career.

MOIRA DELA TORRE

SINGER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with