^

PSN Showbiz

Paolo, may sagot sa ticket refund!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May mahabang post si Paolo Valenciano sa Instagram tungkol sa katatapos na concert ng amang si Gary Valenciano. Sa kanyang post, may binanggit si Paolo na ikatutuwa ng mga nanghihingi ng refund sa tiket sa Dec. 20 concert ni Gary.

Ang “ingay” at “init” na isyu ang ticket refund, na na-bash sina Gary at Angeli Pangilinan-Valenciano. Pati si Kiana Valenciano-Tolentino, inaway na rin tungkol dito at hinihingian ng sagot kung kailan ibibigay ng Manila Genesis ang refund sa tiket nila.

Sabi ni Paolo, “To the thousands of disappointed fans of the Dec 20 show, we hear you. Your feedback means everything to us and discussions are ongoing. Announcements will be made soon.”

Siguro, maghintay na lang ang concertgoers na naapektuhan ng announcement ng Manila Genesis at mukha namang makakakuha sila ng refund. Malaki-laking refund din ang ibabalik ng Manila Genesis dahil sold-out ang ticket sa first night at hindi mura ang tiket.

Ang linaw ng post ni Paolo na pinag-uusapan na ang tungkol sa refund, may nag-comment pa rin kung paano niya makukuha ang refund? Ayun, kinagalitan tuloy siya ng ibang netizens dahil hindi raw nagbasa at kumuda agad.

Direk Dan, Aga at Nadine, inisnab din

Palaisipan at nagtatanong ang fans ni Aga Muhlach kung bakit hindi man lang siya nominado sa best actor sa Uninvited? Pangit daw ba ang acting niya para hindi mapansin ng mga hurado?

May mga sumugod sa Instagram niya at doon ibinuhos ang kanilang sama ng loob sa mga hurado ng Metro Manila Film Festival.

Comment ng isang fan, nagpuyat siya sa panonood ng Gabi ng Parangal para kay Aga para lang ma-disappoint na hindi man lang ito nominado.

Kahit hindi nanalo at hindi nominado, para sa fans ni Aga, siya pa rin ang best actor para sa kanila.

Ganoon din sa kaso ni Dan Villegas, director ng Uninvited. Hindi rin siya nominado as best director. Tanong ng fans, pangit ba ang movie at pangit ang pagkakadirehe niya para hindi siya ma-nominate?

Pinost ni direk Dan sa IG niya ang eksena nina Aga at Nadine Lustre at may caption na “See AGA in his most sinister role yet, and NADINE in her most badass character. Intense ang palitan ng mga salita. Mapapakapit ka na lang!”

Sa post na ito ni direk Dan, mas lalong naniwala ang netizens na dapat na nominate si Aga at nanalo. Same with Nadine na para sa kanila.

Jinggoy, may sinagot na isyu kay Phillip!

Tama naman ang paliwanag ni Sen. Jinggoy Estrada na magkaiba sila ng partido ni Phillip Salvador, kaya hindi niya ito masuportahan sa pagtakbo nitong senador sa 2025 midterm elections. Isa-isang binanggit ni Jinggoy ang mga kapartido niyang tatakbong senador na kanyang susuportahan kabilang sina Senators Bong Revilla at Lito Lapid.

Sayang at hindi siya natanong kung iboboto ba niya si Phillip kahit hindi niya susuportahan ang kampanya nito ng press na imbitado sa post-Christmas Party na ibinigay ng senador sa media. Puwede naman niyang iboto si Phillip, hindi ba?

Ang ipinakiusap ni Jinggoy ay ‘wag kalimutan ang BFF Partylist o Balikatan of Filipino Families na ang first nominee ay ang misis niyang si Precy Estrada. Kasama niya rito ang anak na si Jolo Estrada at si Charilu Puno.

Post ni Precy, “Starting a new chapter in my life as I have accepted the nomination from the BFF (Balikatan of Filipino Families) Partylist as their 1st nominee. Together, let us promote the welfare, interests, and integrity of Filipino families.”

ACTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with