Ruru, muntik mawalan ng pag-asa

Ruru Madrid

Tinanghal na ang winners sa acting at technical categories para sa 50th Metro Manila Film Festival last Saturday sa ginanap sa Solaire South!

May reklamo? Sour graping? Umaapela?

Huwag na. Wala nang mangyayari kung ngangawngaw pa!

Eh si Nicanor G. Tiongson, Ph.D. ang chairman ng MMFF50 Jury. Marami naman siyang kaalaman at karanasan sa larangang ito ng pelikula at iba pa.

May nakita kaming isang post na hindi makapaniwala sa resulta. Eh opinyon niya ‘yun kaya wala na siyang magagawa sa resulta!

Eh may reklamo ngang equal billing sina Dennis Trillo at Ruru Madrid sa Green Bones. Pati sa role. Pero inilagay si Ruru sa support kaya nanalo siya bilang best supporting actor para sa movie.

Kitang-kita sa screen ang suporta ng girlfriend ni Ruru na si Bianca Umali na lakas niya nung panahong nawawalan na siya ng pag-asa!

Tapos na ang bigayan ng awards. Nawa’y makatulong ito upang lumakas pang lalo sa takilya ang mga pelikula sa 50th Metro Manila Film Festival?

Teka, totoo ba ang nakita naming post na mabibilang na sa daliri ang sinehang pinagtatanghalan ng isang entry?

Congratulations sa lahat ng winner sa 50th Metro Manila Film Festival!

Show comments