Walang Himala sa iba... Pelikula nina Dennis at Ruru, nadagdagan ng sinehan
Habang malungkot ang mga taga-Himala dahil as of this writing siyam na lang ang mga sinehan nila, maligaya naman ang buong cast ng Green Bones na nadagdagan ang sinehan.
As of yesterday ay 70 cinemas na sila, na nag-umpisa sa 47.
Maganda rin ang review ng Himala pero obviously hindi ito nag-transform sa box office, kaya talagang nakakalungkol.
Ayon kay Direk Pepe Diokno sa X (dating Twitter) : “Just got the heartbreaking news that “Isang Himala” is down to 9 cinemas…Pero madadagdagan tayo ng Powerplant bukas! Please watch the film before it’s too late, and please request the film from your nearest cinema if it’s not yet showing in your area #MMFF50 #MMFF2024.”
Samantala, bukod sa nagti-trending ito dahil sa magagandang reviewspulos papuri rin ang natatanggap nina Dennis Trillo and Ruru Madrid. Tapos ang sipag pa nilang mag-theater tour.
Dahil dito over the moon ang nararamdaman ng dalawang Kapuso actor.
“Grabe, sobrang nakakataba po ng puso at sabi ko nga, pinag-uusapan namin ni Kuya Dennis, hindi kami nakatulog, eh. Kasi kakabasa, lagi pong may bago at hanggang ngayon, wala pa po kaming nababasang… alam mo ‘yun, parang negatibong komento. It’s all praises at kung gaano sila naapektuhan sa pelikula, ano ‘yung mga realizations nila, ano ‘yung pakiramdam nila after nilang panoorin. Grabe, sobrang nakakataba po ng puso,” sabi ni Ruru sa ginanap special screening for selected media ng Green Bones last Thursday organized by his managers, Becky Aguila, Katrina Aguila and Jan Enriquez.
Kagabi ginanap ang awards night at usap-usapan ang lakas ng laban ni Dennis pero wala pang resulta habang nagde-deadline kami.
“Ayokong magpa-stress sa pagalingan. Ayokong magpa-stress sa paligsahan. Gusto ko lang, i-enjoy lahat ‘to dahil winner na ‘yung pakiramdam na napili ‘to sa daan-daang entries na nag-submit kaya do’n pa lang, blessed na, feeling blessed kami pareho,” saad ni Dennis noong Huwebes ng hapon bago ang ginanap na media screening sa Cafe 76.
Pero sapat na kay Dennis ang papuri ng misis na si Jennylyn Mercado.
“Nakakatuwa dahil ‘yun ‘yung pinaka-numero unong critic ko, eh. Bihira siyang manood ng mga projects ko, piling-pili lang. At dito, hindi ko inasahan na maiiyak talaga siya as in breakdown, ang tagal niyang maka-get over kahit tapos na ‘yung pelikula.
“So, du’n ko napatunayan na merong something itong proyekto na ‘to na kukurot talaga sa damdamin kahit sinong makakapanood dahil makaka-relate ka, eh. Simple lang ‘yung kwento, pero powerful siya,” pahayag pa ni Dennis.
Sa totoo lang, ang lakas kasi ng tama sa puso ng pelikula.
Tagos kumbaga kaya. Na kalat na.
Kahit naman si Ruru ay ang galing sa pelikula, pero pinag-uusapan kung bida o supporting ba ang role niya.
Ang haba ng exposure ni Ruru sa pelikula at suwerte siya dahil ang ganda ng role ng actor sa Green Bones na dinirek ni Zig Dulay.
- Latest