^

PSN Showbiz

Magnanakaw nahuli Michael V, nilooban noong Pasko!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Magnanakaw nahuli Michael V, nilooban noong Pasko!
Michael V.
STAR/ File

Napabalita ang tungkol sa panloloob sa bahay ng isang kilalang komedyante nitong nakaraang araw ng Pasko.

Paskong-Pasko ay umatake itong magnanakaw, pero hindi naman siya nagwagi dahil nahuli ito. Naabutan siya sa unang condo unit na pinasok niya, nagtatakbo ito hanggang sa nakapasok sa isang sosyal na village. At ang napasukan pa niya ay ang bahay ng kilalang komedyante.

Wala ring nakuha dahil nahuli na naman siya. Muntik pa siyang nakatakas at nagtangka pang agawin ang baril ng pulis.

Napabalita ito sa news pero hindi nagpakita ang komedyante. Isa siya sa nagsampa ng kaso sa magnanakaw, pero hindi siya nagpakita sa interview. Pero kilala pa ring si Michael V siya dahil nalaman nga ito sa ilang kaibigan nilang mag-asawa.

Nag-text kami kay Bitoy para hingan sana ng pahayag pero hindi siya sumagot.

Sa totoo lang, ang dami talagang krimeng nangyayari ngayong Pasko. Kaya dapat talaga ang matinding pag-iingat.

Kim, binitbit si paulo sa Breadwinner!

Nakakatuwa ang suporta ng mga kaibigan sa mga artistang bida sa ilang entries ng Metro Manila Film Festival. Nagpa-block screening si Anne Curtis ng And The Breadwinner Is… sa Power Plant Mall noong nakaraang Huwebes.

Nandun din sila Kim Chiu kasama si Paulo Avelino. Si Alden Richards naman ay sinamahan si Dennis Trillo sa isang theater tour, at pinanood ang pelikula.

Nag-trending din nga sa X si Alden na ikinatuwa ng fans at ng mga sumusubaybay ng Pulang Araw. Nakakatuwa raw na sinuportahan ni Eduardo si Col. Yuta Saitoh. Natapos na rin kahapon ang Pulang Araw. Tuluy-tuloy rin ang block screenings ng ilang pelikula na ini-sponsor ng ilang kaibigan.

Ang bongga nga ni Ms. Rhea Anicoche-Tan, ang dami niyang pinapa-schedule na block screening sa Pampanga ng mga pelikulang pinagbidahan ng endorsers ng Beautederm. Kamakailan lang ay nagpa-block screening siya ng Green Bones para sa endorser niyang si Ruru Madrid, at kay Dennis Trillo na rin na mukhang magiging endorser na rin niya dahil kay Jennylyn Mercado.

Maiyak-iyak pa si Ms. Rei Tan pagkatapos niyang mapanood ang pelikula. Mugto na ang mata niya pagkatapos ng pelikula. “Ang lala ng Green Bones. I must say one of the most beautiful films I have watched for years! Ang galing mo anak! Isang rebelasyon,” sabi niya kay Ruru.

Napayakap na siya kay Dennis na binabati niyang Best Actor. “‘Di ko nakita si Dennis dito, si Dom, wasak na wasak ang puso ko. Ang OA ng luha ko. Napaka-brilliant actor!” sabi pa ni Ms. Rei. “Dapat talagang mapanood ito ng pamilya,” dagdag niyang pahayag.

Nangako rin si Ms. Rei na magpa-block screening na rin siya sa The Kingdom para kay Piolo Pascual, ang Espantaho para kay Lorna Tolentino, Topakk para kay Sylvia Sanchez at Arjo Atayde, at ang Hold Me Close para kay Carlo Aquino.

Nakakatuwa ang ganung suportahan para lang lalong lumakas ang mga pelikulang kalahok sa MMFF 2024.

Samantala, inaasahang tataas na ngayon ang kita sa box-office dahil sa weekend at nasa labas ang karamihan. Kahit ang top grosser na Breadwinner ay bumaba nung second day. Pero mukhang makakabawi pa sila, at ang laki naman kasi talaga ng first day earnings nito na naka-P52M pala.

MICHAEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with