^

PSN Showbiz

Sylvia, na-turn off na 36 sinehan lang sila!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sylvia, na-turn off na 36 sinehan lang sila!
Sylvia Sanchez
STAR/File

Todo ang pag-iikot sa mga sinehan ng mga lead actors ng mga pelikulang kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival.

Kahit nakakapagod, na-enjoy ni Lorna Tolentino ang theater tour niya sa ilang SM cinemas para ma-promote ang Espantaho kasama sina Chanda Romero, Mon Confiado at Nico Antonio.

Puno ang lahat na mga sinehang pinuntahan nila kahit first screening pa lang.

Nasa Gateway naman kami kahapon para puntahan ang imbitasyon ng Mentorque Productions sa block screening ng Uninvited.

Biglang nagkagulo sa labas ng sinehan dahil sa pagdating nina Dennis Trillo at Ruru Madrid na puno rin ang sinehan.

Kinagabihan naman ay pinasok namin ang block screening ng Topakk ng Nathan Studios na pinagbidahan ni Cong. Arjo Atayde.

Pero sa totoo lang ayaw nang umasa ni Sylvia Sanchez, ang producer ng Topakk na makakalaban sila sa topgrosser, 36 cinemas lamang ang napunta sa kanila.

Ano nga ba naman daw ang laban nila sa apat na pelikulang may mahigit 100 hanggang 200 cinemas na nakuhang mag-showing sa buong bansa.

“Siyempre, sino ba ang ayaw manalo? Sino ba ang ayaw mag-box office, ‘di ba? Pero kung pagbabasehan sa box office sa 36 na theater na ikukumpara sa 200, 100 theaters, parang ang labo, ‘di ba?” pakli ni Sylvia nang nakapanayam siya sa radio program ni Tita Cristy Fermin.

Kaya tinanong na rin siya ni Tita Cristy kung hindi ba siya nadala, na naranasan niya ito sa unang pagsali nila sa MMFF? “Ngayon pa lang, ay hindi pantay parang nakaka-turn off,” tugon ni Ibyang.

“Honestly ‘di ba? Kasi 36 lang kami e. Pero nandito na ako, ang rason ko na lang is laban, laban Topakk! Tutal alam ko ‘yung material ko maganda, maganda. Ang gagaling ng mga artista ko,” dagdag niyang pahayag.

Narinig naman daw niya sa interview kay MMDA Chairman Atty. Don Artes ang paliwanag na hindi nila kontrolado ang mga sinehan sa mga probinsya. Ang sa Metro Manila lamang ang nako-control nila ang hatian ng mga sinehan.

“Naiintindihan ko kasi business is business e. Pero sana, sana sa isang buong taon na nandiyan ‘yung mga sinehan. Sana ito man lang ang filmfest maging pantay-pantay sa isang taon lang. Pero hindi pala ganun ang sistema. Ngayon ko lang nakita,” sabi ng actress/producer.

Pero ipinagmamalaki niya ang Topakk, at naniniwala siyang aariba pa ito sa mga dara­ting na araw lalo na pagkatapos ng Gabi ng Parangal.

“Imbes na mag-dwell ako dun sa sama ng loob, dun sa ma-turn off ako, laban ako. Kasi maganda ‘yung Topakk. So, andun ako sa 27 sa awards, kung anong awards ang makuha namin, laban ako dun Nay!

“Basta ang importante sa akin maipakita sa inyo ang obra ni Richard Somes dahil maganda talaga ang pelikulang ito. Ito talaga, proud talaga ako dito sa Topakk, dahil nag-level up talaga dito ang action. Hindi lang ‘yung aksyon ang nag-level up dito, kundi ang acting nila, ng lead actor, pati ‘yung mga cast ang gagaling nila. Aksyon na may puso,” sabi pa ni Sylvia Sanchez.

Puno naman sa Gateway ang lahat na screenings ng Topakk, puwede itong madagdagan ng sinehan.

Kung may mahina sa apat na pelikulang may pinakamaraming sinehan, anim pa silang makipag-agawan sa ibibigay na sinehan.

Kaya mahirap din talaga itong pinagdaraanan ng Topakk ng Nathan Studios na hindi kasinlaki ng mga powerful na movie productions.

MMFF, magbebenta ng trophy

Todo kantiyaw ang inabot ng isang pelikulang nalait nang bonggang bongga ang float sa nakaraang parade of stars.

Marami ang hindi nagandahan, kaya nagpatulong pa sila na maayos ito at mapaganda man lang kahit paano.

Okay na rin naman ‘yun. Maganda naman ang pelikula nilang ‘di hamak.

Pero ang nakakaloka pa sa nakaraang parada, habang umuusad ang mga karosa sa kalye, biglang natigil itong float dahil naubusan pala ng gasolina.

Ginawang biruan na lang daw ng mga artistang sakay, at walang isyu sa kanila. Nairaos naman, pagkatapos magpahabol ng gas.

Nakakatuwa lang ang nakaraang parade of stars noong Sabado dahil talagang ginastusan ng producers ang kanilang karosa.

May P200K na premyo sa Best Float. Pero mukhang mahigit P200K ang nagastos nila para mapaganda lang.

Pero alam n’yo bang may MMFF trophy pala na ibebenta ng P200K each?

Magbebenta raw sila ng commemorative limited copies nitong trophy na dinesenyo ng pamosong si Jefre Manuel Figueras.

Maganda naman talaga ang trophy, at mukhang mamahalin. Kaya ang laking bagay nito sa mga magwawagi sa darating na Gabi ng Parangal sa Dec. 27 na gaganapin sa Solaire, Parañaque.

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with