Lea at Rachelle, magiging performer sa gabi ng parangal

Lea Salonga at Rachelle Ann Go

Hamuna kung ganun ang float na parang tinakpan lang ng green carpet, maganda naman ang movie!

Usap-usapan kung bakit naging ganu’n ba ang float ng Green Bones? Pati ‘yung wishing tree, parang dinaanan ng bagyo?

At heto na ang punchline, totoo bang nawalan daw ito ng gasolina at one point in the parade? Anyare?

Kung may best in pag-aabala sa float, it’s a toss up between  Topakk and Uninvited siguro. Sobrang gina­lingan ang paggawa ng floats at pareho pa silang may pa-fireworks!  Ibang klase ‘no? Ang sabi ng mga nakakapanood, ang dami nilang pera ‘no?

Totoo bang Lea Salonga at Rachelle Ann Go levels ang tinatarget mag-perform sa Gabi ng Parangal ng MMFF sa Dec. 27? World class talents talaga! Sobrang bongga at level up na talaga ito kung mangyari man. Ngayon pa lang, excited na ang lahat sa pagbubukas ng festival today – at sa awards night sa Friday!!! Sinu-sino ang bet niyo?

So mukhang confeeeermed na sina Robi Domingo at Gabbi Garcia ang ilan sa magho-host sa Gabi ng Parangal ng 50th MMFF sa Dec 27. May Kapamilya, may Kapuso na.

Sino kaya ang puwedeng Kapatid? Ang sabi ng mga accla, baka si Dylan Menor na ‘yan, ang favorite Kapatid na galing sa Sparkle!

Nakakataquote:

“For unto us a child is born, this day in the city of David, a Savior, who is CHRIST the LORD”

Luke 2:11

A Blessed CHRISTmas to one and all!

Show comments