Star Makers International grand winner, recording artist na
Empowering na mensahe ang ibinahagi ng Star Makers International grand winner na si Ashley Cortes sa kanyang debut single na I Rise Above.
Mula sa komposisyon at musika ni ABS-CBN Music operations and creative head Jonathan Manalo ang pop ballad na nagbibigay inspirasyon na lumaban at maging matatag sa gitna ng pagsubok sa buhay.
Pinabilib ni Ashley ang mga manonood sa kanyang husay matapos itanghal bilang grand winner ng global singing competition na Star Makers International na naganap sa Los Angeles, California nitong Hulyo.
Bilang multi-genre singer-songwriter, malawak na ang naging karanasan niya sa pagpe-perform hindi lamang sa Pilipinas kundi pati sa Amerika. Ilan sa Filipino artists na nakasama niya ay sina Freddie Aguilar, Lani Misalucha, Angeline Quinto, Vice Ganda, at Sam Milby.
Naging featured artist at voice over actor din si Ashley sa Pacha’s Pajama, isang interactive children story kung saan nakasama niya ang celebrity cast na sina Mos Def, Cheech Marin, Genevieve Goings at Lester Chambers. Nakapagtapos siya bilang summa cum laude sa Berklee College of Music sa kursong Professional Musical, specializing in songwriting and vocal performance. Nakuha naman niya ang master’s degree sa New York University sa kursong music business.
Napapakinggan ang debut single ni Ashley na I Rise Above sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok at YouTube.
- Latest