Proud misis si Pauleen Luna matapos mapanood ang mister na si Vic Sotto sa Metro Manila Film Festival entry na The Kingdom.
Well, dapat naman talagang maging proud ang dating Eat Bulaga Dabarkads/actress dahil for the first time ay lumabas si Vic sa kanyang comfort zone.
Seryoso ang entry ng MQuest Ventures, M-Zet Productions at APT Entertainment tungkol sa isang “uncolonized Philippines.”
Si Vic ang gumaganap bilang Lakan Makisig, ang hari ng Kaharian ng Kalayaan.
Sey ni Poleng sa kanyang Instagram post, “We are still on a #TheKingdom high! What a privilege to be able to watch this film first before the opening on Christmas day…. napaka HUSAY!!!! From opening to ending, everything was just on point. All the actors were brilliant, the editing and lighting was awesome, the lines, the set, the costume… the direction of @direkmike grabe lang! Kudos to the whole The Kingdom team for giving us viewers what we deserve! A significant, extraordinary and high quality film.. cannot wait to watch it again and again and again!
“To my dear husband, thank you for stepping out of your comfort zone and unleashing that true actor in you. You have made us all proud and beyond! You’ve surpassed our expectations and have made us believe that we are capable to do films like this!!. You were awesome!.! (I don’t think i’ll ever get over this).
“Congratulations The Kingdom! What an EPIC movie!
“In cinemas on Dec 25 2024. Can’t wait!!!!” pagtatapos ng maybahay ni Bossing.
Emosyonal naman si Bossing Vic na hinangaan sa kanyang pagganap sa The Kingdom.
Pawang mabigat ang kanyang mga eksena at bawat sagutan nila ng co-star na si Piolo Pascual (bilang outcast na si Sulo), ay waging-wagi.
Palong-palo ang bawat linyahan, tagos at sapul sa puso.
Malakas na malakas ang laban ng pelikula para sa Best Screenplay, Best Director, Best Picture, Best Actor at acting awards sa Gabi ng Parangal na magaganap sa December 27, Solaire Resort Ballroom.
Siguradong marami ring makaka-relate at madadala sa mga eksena rito dahil kahit fictional ang Kaharian ng Kalayaan, very relevant at timely naman ang mga ganap sa buhay ng mga karakter.
In terms of family drama, ramdam mo ang bigat ng dinadala ni Lakan Makisig dahil sa nangyayari sa kaharian at sa loob ng kanyang tahanan.
Pero ang pinaka-highlight ng movie? Ang paghaharap nina Bossing Vic at Papa P.
Pareho kaya silang ma-nominate sa Best Actor category?