Na-sad ako para sa isang aktres na nagbabalik-pelikula.
Napunta pala siya sa isang talent manager na nega ang image at hindi marunong makisama.
Hahahaha. Wow, as if naman ang husay ko sa pakikisama.
Pero sa totoo lang, paano naman babango ulit ang pangalan ng isang actress na ‘to kung ganyang namimili ng pakikisamahan ang kanyang manager.
Mahusay pa naman ang actress na ito na gusto ulit magka-career. Pero ang isa ko lang napansin, may edad na talaga ang hitsura niya. Malaki ang itinanda.
Basta dapat mag-isip din siya sa kanyang manager kung tama ba ang desisyon niyang magpa-handle rito. May oras pa siyang lumipat.
Hahahaha. Joke, joke...
Mayor Enrico, nakapagpiyansa na
Buti naman at nakapag-piyansa na si Pandi Bulacan Mayor Enrico Roque na kinasuhan ng rape.
Gulat na gulat talaga ako na pinagbibintangan siyang nang-rape.
Paano kaya nangyari ‘yun eh hindi nga raw nito kilala yung nagkaso.
Kaloka alam, mong may kulay pulitika ang mga pangyayaring ‘yan.
Totoo naman na kung sino pa ang mabait ‘yun pa ang ginagawan ng mga intriga.
Bukod sa pagiging mayor, siyempre movie producer din si Mayor Enrico noh.
Jackie, ipapamigaysa kawanggawa ang mga kayamanan
True kaya na hindi ang anak ni Jackie Chan na si Jaycee ang magmamana ng sinasabing kayamanan ng kanyang ama kapag ito ay namatay?
Ang sabi, nanindigan si Jackie Chan na dapat ang kanyang mga anak ay gumawa ng kanilang sariling paraan sa mundo.?
Ang sabi pa, mapupunta sa kawanggawa ang mga kayamanan nito.?
Ngek, lumang news na ito ‘di ba.
Hindi bongga.