Gary, nakaraos sa huling concert

Gary Valenciano

Naniniwala kaming ang Panginoong Diyos na talaga ang gumalaw para mairaos ni Gary Valenciano ang pangalawang gabi ng  Gary V, Pure Energy: One More Time na ginanap sa Araneta Coliseum noong Linggo, December 22.

Linggo ng alas-nuwebe ng umaga ay in-announce nila na tuloy ang concert pagkatapos na ma-confine ni Gary sa hospital.

Hindi niya natapos ang kanyang concert noong Biyernes, at naka-siyam na kanta lang daw siya. Hindi na niya kinaya at ipina-confine na siya sa hospital dahil sa severe dehydration, naubusan siya ng liquid sa bibig niya.

Noong Linggo ay pinayagan na raw siya ng kanyang doktor na ituloy ang concert kinagabihan. Pero madali siyang mapagod at hingalin. May mga number siyang nagbabawas talaga siya ng sayaw, kumakanta na lang siya, pero nairaos niya nang maayos.

Ang sabi pa ni Gary, kailangan daw nilang baguhin ang repertoire dahil may mga number na mahihirapan talaga siya sa paghataw.  “Alam mo, hindi na namin sinundan yung original na concert e, yung line up. Hindi naman yung tipong bahala na, but we changed it a bit. Simply because it was a challenge kasi e. The deadline this morning was 9am, kung itutuloy ko ang concert na ito kung hindi. But then at 8:15, ang sabi ko pa nga sa misis ko…Angeli came up to me and said, ‘you gonna be great Gary. I looked at her and I said, ‘I cannot do this concert. I cannot.

“But, the kind of wife that she is. She was persistent, and she believed that I could not to do it, but God could,” rebelasyon niya.

Kaya sa gitna ng performance niya, tumigil siya para mag-take ng ice. “So, pag tumigil po ako at pumupunta ako dito sa tabi (ng stage) I just have to get some ice chips, kasi it was a such a severe dehydration that my mouth becomes dry so quickly…ayoko naman kumanta na tipong kakantahin ko ngayon (nag-mumble) kasi that’s what happens when your mouth…look, if there are any aspiring singers here, please make sure you ever come out on stage with the dry mouth, okay?

“Seriously. It does not only affect your singing, but affects your talking as well. Cause you’re talking can end up ike (nag-mumble uli).”

Nagsimula ang concert ng 8:42 ng gabi at natapos ito ng 11:10. Kaya halos tatlong oras din siyang nag-perform. Pero tumitigil-tigil siya at nagpahinga sandali para magawa niya ang susunod na number. “Teka ha? Check lang ako. I’m really taking my time because I wanna make sure I get to finish this show for you. Kasi yung nangyari nung isang araw, I only did 9 songs and that was all I could do. But so far, we’re doing okay, and I’m fighting for it,” sabi pa ni Gary V pagkatapos niyang i-check kung okay pa ang sugar niya.

Pero sabi nga niya, nagawa niya ito dahil sa Panginoon na siyang nagbigay ng lakas sa kanya.

“I’m not running on empty. I’m running on the fumes of God. So I don’t wanna cut this show short. Bear with me, because what I’m going to do is not out of my own strength.

“Sa totoo lang, meron pa isang medley na hindi na namin ginawa e, mga theme song medley.  Kasi honestly, I’ll just be honest with you. Hindi ko na rin kaya kasi. Not because of my age ha? It’s just that, I’m still recovering from everything that happened in the past few days,” dagdag niyang pahayag.

Tinuro pa niya ang bandang taas ng Araneta kung ano pa sana ang gagawin niya kung hindi lang siya nagkasakit.

Pero lahat ng ito ay nagawa niya dahil sa kanyang anak, si Paolo Valenciano na siyang nagdirek ng kanyang concert.

“Aakyat sana ako dun o, tapos iikot sana ako ng ganun o! Nakakatakot lang kasi baka pag-abot ko diyan, hindi na ako makakaikot nang ganun. Pag umabot ako dun, wala na. Iisang kamay na lang ang natira sa akin. But I was really going to do that. But you know all of these had to be put together by a whole team of people. But there was only one director. And…he’s the best in the country today folks.

“If you’ve seen Sarah G’s concert, that’s him. If you’ve seen the Ben and Ben concert, that’s him. Concert in Juan Karlos, that’s him. Concert ng Eheads, siya rin yun. Ang dami pa. Hindi ko lang maalala lahat. Paolo, o say that I am proud of you is too much of understatement son.

“I love you so dearly son. You are such an example to your brother and your sister. And your children, have a good mom and dad, taking care of them. I love you so much,”  proud na sabi pa ni Gary patungkol sa anak na sikat na concert director.

MMFF, hindi kontrolado ang mga sinehan sa probinsya

Bukas na magbubukas sa mga sinehan ang sampung pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2024.

Pero kapansin-pansin ang mga konting sinehan na naibigay sa karamihang pelikula.

So far, ang mga pelikulang Espantaho, And The Breadwinner Is, The Kingdom at Uninvited ang nabigyan ng mahigit 100 cinemas.

Ang iba ay mahigit 30 o 40 cinemas lang. Kaya todo sila sa pagpo-promote na sana tangkilikin ang mga pelikula para madagdagan pa ng mga sinehan.

May paliwanag naman si Atty. Don Artes ng MMDA kung bakit hindi magkakapareho ang number of cinemas na naibigay sa sampung entries.

Aniya; “Sa Metro Manila Film Festival naman, sa pangalan pa lang Metro Manila lang talaga yung controlled namin supposedly, which is composed of around 60 percent ng mga sinehan.

“Pero with the concession with CEAP, ipi­naubaya na rin sa amin para lahat na sinehan sa buong Pilipinas ay maipalabas exclusively ang mga pelikula sa MMFF.

“Iyun lang, yung ni-request kasi nila, yung major cities lang na maraming butas sa sinehan ang isama sa raffle. So, yung mga island province na may maliit na mall na isa, dalawa yung sinehan, siyempre, nire-request nila na hayaan na sila na magpalabas ng gusto nila, kasi ang katwiran nila, whole year round halos hindi kumikita yang sinehan nila. So, eto lang yung pagkakataon nila na kumita. o, pinapalabas po nila yung tingin nila makakabawi sila. Kaya iyun po ay hinayaan na namin.”

Show comments