DUMIDISKARTE ang isang sikat na aktor sa mga kaibigang public officials sa probinsiya upang tulungan siyang sabihan ang kanyang nasasakupan na unahing panoorin ang pelikula niyang kasama sa film festival.
Tiyak kasing maninibago ang fans niya sa bagong putaheng laman ng kanyang movie na never naman niyang ginawa sa nakaraang movies niya.
Alam kasi ng aktor na mabibigat din ang kalaban at ngayon lang uli siya may entry sa festival. Kaya gumagawa siya ng paraan para hindi masira ang record niya sa takilya pag MMFF.
Kaya naman ‘yung elected public officials na hinihilingan niya, nangingiti na lang sa request ng aktor na marunong dumiskarte sa buhay!
Sa Wednesday na ang showing ng lahat ng entries sa MMFF. Malalaman natin kung wagi ang diskarte ng aktor para manguna ang movie niya sa takilya, huh!
Mga sinehan sa probinsya, pinaboran ang malalaking pelikula sa MMFF
MAS maayos ngayon ang Parada ng Mga Artista para sa 50th Metro Manila Film Festival lalo na pagdating sa treatment sa media.
May press tent na itinayo parasa interview ng media sa stars ng bawat entry. May mga hindi nakarating na stars ng pelikulang may kalahok gaya ni Vice Ganda na may noontime show.
May isang source na nagsabi kaugnay ng mga apela ng ilang producers ng movie sa kakulangan ng sinehan ng entry nila lalo na pagdating sa probinsiya.
Eh ayon sa isang nagsabi na involved sa MMFF, pagdating sa provincial theaters, lalo na sa malalayong probinsiya na iilan lang ang sinehan, humiling ang may–ari ng sinehan na sila na ang mamimili ng pelikulang ipalalabas nang sa ganoon eh mapanood naman ito ng kanilang ka-probinsiya at lalo na sa hindi masyadong maalwan ang buhay pagdating sa pera.