Jane at Alexa, sinundan ng killer sa labas ng hospital

Strange Frequencies stars

Ang daming magagandang review ng pelikulang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital pagkatapos ng kanilang red carpet premiere last week.

Particular na pinupuri sina Jane de Leon, Alexa Miro at tarot reader Raf Pineda.

GoCam-horror at meta found footage ang konsepto ng Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital na isa sa official entries sa 50th Metro Manila Film Festival.

Si Enrique Gil ang nagsilbing director para sa isang live streaming ng pagpasok nila sa most haunted hospital sa Taiwan, ang Xinglin Hospital.

Karamihan sa mga eksena ay kinunan sa madilim na lugar ng hospital, na puno ng high-octane suspense na siguradong maghahatid ng bonggang hiyawan sa mga manonood sa Dec. 25.

Ang Xinglin Hospital ay inabandona na diumano more than 20 years ago at isang kinondenadong gusali sa Taiwan.

Ang daming intriga sa nasabing hospital na pitong floors at sinasabing maraming multo lalo na at marami raw mga sanggol ang nawala roon dahil kinukuha ng isang nurse.

Meron din daw matandang babae na gumagala sa mga corridor nito.

Na siyang tutuklasin at iimbestigahan nina Jane, Alexa, Rob Gomez, MJ Lastimosa, Raf Pineda at content creator na si Ryan “Zarckaroo” Azurin.

Ang layunin ay makaabot sa three million views ang live streaming sa pagtuklas sa iba’t ibang ghost sight.

Sa kasamaang palad bawat isa ay makakaranas ng nakakatakot at magbabanta sa buhay nila sa pinaghalong takot, drama, at may kaunting nakakatawang karanasan na mapapanood sa pelikula.

Na nadala nila hanggang sa labas ng hospital : “We posted a video about this already, and if not for Jane and her mom and everyone else in the van, who noticed that there was something wrong with me, baka hindi pa napatigil ‘yung van, hindi pa nakakapag-pray. So we learned our lesson agad, simula pa lang nung buong shoot, to always respect and pray, and to remember na hindi lang ‘yung Taiwanese prayer and Taiwanese faith. Kasi nung first day, hindi pa kami nakakapagpatawag ng sarili naming pastor, but it was Jane’s idea to call it for our own faith and our religion,” pag-amin ni Alexa.

Masasabing ito ang katapat ng 2019 box office hit na Blair Witch Project na nagpasigla sa first-person-based filming sa horror-genre documentary style hanggang may mga sumunod tulad ng Paranormal Activity noong 2007 at ang 2011 Canadian found footage film na Grave Encounters.

Ang Korean version ng Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital ay isang 2018 found footage supernatural horror film na idinirek ni Jung Bum-shik. Batay sa isang actual na psychiatric hospital na matatagpuan sa Gwangju-si, pinagbidahan nito ang mga aktor na sina Wi Ha-joon (Squid Game), Park Ji-hyun (The Divine Fury), Oh Ah-yeon (Mr. Sunshine), Moon Ye-won (Legal). High), Park Sung-hoon (The Glory, Queen of Tears), Yoo Je-yoon (Extreme Job), at Lee Seung-wook (Joseon Fist).

Ang Gonjiam: Haunted Asylum ay isang commercial hit sa South Korea na umaakit ng higit sa 2.6 milyong mga manonood at US$21 million sa box office, na naging pangalawang pinakamalaking gross para sa isang Korean horror film noong 2018 kaya’t inaasahang hahataw rin sa takilya ang Strange Frequencies ni Direk Erik Matti at producer Dondon Monteverde.

Show comments