Atong, matagal nang pantasya si Sunshine!

Sunshine Cruz at Atong Ang

Sa pagbibilang ng netizens, 21 years ang age gap nina Sunshine Cruz at Atong Ang, bagay na ginagawang isyu ng karamihan ay kababaihan. Hindi mo tuloy alam kung naiinggit lang ang mga nagko-comment ng “cringe,” “yuck,” “ewww,” “asim kilig” nang mapanood ang video nila na kumakanta ng Bakit Ngayon Ka Lang.

Sunshine is 47 years old and Atong is 68 years old, but he doesn’t look his age, kaya kung may mga hindi gusto ang pag-iibigan ng dalawa, tila mas marami ang pabor. Ang isyu lang kung sakali ay kung hindi pa annulled ang kasal ni Atong sa wife niya dahil kahit gusto nila ni Sunshine ang isa’t isa, hindi sila puwedeng magpakasal.

Sa video pa rin na kumakanta sila, may sumigaw ng “dati ka pang pinapantasya niya.” Ang ibig sabihin, matagal nang pantasya ni Atong ang aktres, ang laking tuwa siguro nito na girlfriend na niya ang aktres.

May nag-comment na mahilig pala si Atong sa mapuputi at nasa showbiz at marami ang nag-agree rito. May ex-GF kasi ni Atong na artista rin at ang tsika, may anak sila, pero mahihirapang hanapin at kilalanin siya dahil matagal na siyang nagretiro sa showbiz.

Yes! Maputi, makinis at maganda ang aktres na ex ni Atong at saka, baka nasa 30s na ang edad ng kanilang anak.

Kingdom nina Vic at Piolo, may part 2 agad?!

Sa three cinemas ng Gateway 2 ang premiere ng The Kingdom,ganu’n karami ang nanood sa premiere pa lang. Hindi na-disappoint ang nakapanood ng movie nina Vic Sotto at Piolo Pascual dahil comment nga ni Pilar Mateo, “pang-film festival ang movie” na totoo naman.

Makikita sa pelikula ni director Mike Tuviera na pinagkagastusan ang The Kingdom at curious kami kung paano kinunan ang eksena sa dagat na binu-bully ang Filipino fishermen at may dumating na malaking barko. Ang malaking barko ang nagtaboy sa mga bully.

Dahil rated PG ng MTRCB, maraming bata ang present sa premiere night and for sure, nag-enjoy sila. Walang naghanap ng comedy scene ni Vic na in fairness, kayang-kayang mag-drama.

May mga nagsabing puwedeng ma-nominate na best actor si Vic sa husay niya, ganu’n din si Piolo na mahusay rin sa pelikula. Hintayin natin kung pareho silang mano-nominate sa best actor at kung sino sa kanila ang mananalo sa awards night sa Dec. 27. Pareho silang mahusay, kaya parehong pinalakpakan ng dalawang beses at binigyan ng standing ovation sa ending.

Marami ang cast ng The Kingdom at nagamit sila lahat. Ang ganda ng plot twist at ang ganda ng script, lalo na ang komprontasyon nina Vic at Piolo. Magaling din sina Cristine Reyes at Sue Ramirez at parang may part two ito dahil sa eksena ni Cristine sa ending.

Iza, in demand sa festival

Kasama si Iza Calzado sa dalawang pelikula sa 2024 Metro Manila Film Festival, pero sa sabay na red carpet premier night ng The Kingdom ng APT Entertainment, M-Zet Productions at

Media Quest Ventures, pinili ni Iza na sa Green Bones dumalo.

Naintindihan naman siguro nina Vic at direk Mike Tuviera ang desisyon ni Iza na sa entry ng GMA Pictures, GMA Public Affairs at Brightburn Entertainment at sa pelikula ni Zig Dulay pumunta si Iza. Parehong maiksi ang partisipasyon ng aktres sa two movies, pero dahil magaling, magmamarka ang kanyang karakter at role.

May pumansin lang kina Iza at Jennylyn Mercado na co-producer ng movie. Hindi raw sumunod ang dalawang aktres sa dress code na pinapunta sila in their best green outfit. Parehong naka-black dress ang dalawang aktres.

Show comments