Sinalubong ng sigawan, hiyawan at palakpakan ang Cinema 3 ng SM Megamall nang pumasok ang cast at nagkaroon ng advance screening ng Metro Manila Film Festival entry na Espantaho na produced ng Quantum Films at dinirek ni Chito Roño.
Eh matindi ang suspense na hatid ng movie na may kakaibang kuwento tungkol sa delubyong hatid ng espantaho, na Tagalog ng scarecrow.
Pagbabalik ang movie ni Judy Ann Santos at reunion naman nila ito ni Chito Roño pati na si Lorna Tolentino.
Wala pa ring kupas magpaiyak ni Juday. Kaya naman bawat bitaw niya ng dramatikong dayalog eh palakpakan ang manonood! Ang ganda ng role ni Lorna na kailangang tutukan para malaman kung bakit!
Gustung-gusto namin ang batuhan ng linya ng tatlong female leads – Chanda Romero, Juday at LT.
Walang pretensiyon ang movie na magpaka-artsy! Family love and money is the root of all evil ang nais ihatid na mensahe ng movie!
Hindi kami kritiko at gusto naming maaliw habang pinanonood ang movie na gusto namin!
Parada, pinakabongga!
Grandest Parade of Stars ang naganap kahapon sa Maynila kaugnay ng 50th Metro Manila Film Festival.
Mula sa spokesperson ng MMFF na si Noel Ferrer, “We are doing everything to give you the biggest, the happiest and the most prestigious Metro Manila Film Festival we all deserve. After this, see you at the movies!”
“We are proud of the 10 entries in the 50th edition of the MMFF because they truly showcase exceptional quality and talents.
“Because of this, we are optimistic that moviegoers will flock to the cinemas to support all the entries and bring back the Philippine move industry to its old glory!” MMDA Chief Atty. Don Artes said.
Tangkilikin ang sampung entries sa MMFF 50 na mapapanood simula sa Dec. 25!