^

PSN Showbiz

MJ, rumarampa kahit takot na takot na sa Taiwan Hospital

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
MJ, rumarampa kahit takot na takot na sa Taiwan Hospital
MJ Lastimosa
STAR/File

Sunud-sunod ang mga premiere night ngayon ng sampung pelikulang kalahok sa 50th edition ng Metro Manila Film Festival.

Maaga ang My Future You, sumunod ang Hold Me Close nina Julia Barretto at Carlo Aquino. At magkasabay naman noong Huwebes ang Strange Frequencies: The Taiwan Killer Hospital at ang Topakk.

Kagabi naman ay nagkasabay-sabay ang The Kingdom, Green Bones at ang Espantaho. Kaya ang hirap lumagare lalo na’t ang tindi ng traffic kahit saan ka magpunta.

Maganda ang feedback sa My Future You na isang fantasy romance at ito lang ang nabigyan ng G rating ng MTRCB.

Kakaibang romance at love story naman itong Hold Me Close na muling susubukan ang tandem nina Carlo at Julia.

Sinasabi ni Julia na maganda talaga ang partnership nila ni Carlo kung saan ay nagtambal na sila sa pelikulang Expensive Candy.

“It’s so reliable if he has this gift also to bring out the best as co-actor. So, I love working with him. It’s really has a teamwork on the set, and of course with direk Jason also who directed and wrote the script,” pakli ni Julia.

Sabi naman ni Carlo, “Ako siyempre, ‘yung pagiging professional ni Juls and authentic. Kapag may gusto siyang malaman, tanungin niya ‘yung ganun. Very straightforward. ‘Yun ‘yung na-appreciate ko talaga kay Juls.”

Pero ang isa sa exciting dito ay ang mga magagandang pelikulang kalahok, at sana magtulungan daw ang lahat ng producers at artista para maging maganda ang kalalabasan ng ngayong taong MMFF.

“Sobrang malaking bagay ‘yung magsuportahan ang bawat pelikula dahil alam naman natin na struggling pa rin ang industry natin. And salamat din na nandito kayo para sa amin,” pakli ni Carlo.

Kahit ‘yung mga cast din ng Strange Frequencies ay gusto ring suportahan ang iba pang entries.

Horror ang genre ng pelikula nila, isang meta found footage horror, at ang Espantaho ang isa pang horror film na makakatapat nila. Pero gusto rin daw nilang mapanood si Judy Ann Santos sa pelikulang ito ni direk Chito Roño. Halos iisa ang sagot nina Jane de Leon, Alexa Miro at MJ Lastimosa na tingin nila may laban talaga si Juday sa Best Actress.

Pero bilib na bilib sina Alexa at MJ kay Jane de Leon na kung silang tatlo raw ang maglalaban, tiyak na wagi raw si Jane.

Sabi ni Alexa, “Kung kaming tatlo lang po ang maglalaban, si Jane po ang mananalo diyan. Kasi the last time po na nagpo-promo kami, I even talked to her like ‘how do you do that. How do you just let all your real emotions show’ na parang kahit nakatitig lang siya, kitang-kita mo ‘yung walang keber na lalabas ‘yung fear.”

Natawa rin kami sa kuwento ni MJ Lastimosa na lagi raw siyang nasisita nung sino-shoot nila itong Strange Frequencies dahil parang rumarampa raw siya kahit takot na takot na nung pinasok nila ang haunted hospital sa Taiwan.

“Sobrang nakakatuwa ‘tong film na ‘to kasi hindi siya ‘directed by’ ‘di ba? It’s a meta horror. So talagang gina-guide lang kami na ito sana ‘yung gusto naming gawin n’yo, pumunta kayo sa floor na ‘to ganyan.

“Pagdating namin dun kami na lang e. Flashlight at ‘yung camera lang ‘yung baon ko, parang wala talagang crew na nagsasabi sa amin… alam mo ‘yung pag nagso-shoot ako, naalala ko talaga ‘yung first MMK ko. Pinaulit-ulit ako ng rampa, kasi rumarampa daw ako, hindi raw ako naglalakad. E kasi ganun ‘yung lakad ko.

“Eto, walang take 2, walang take 3. Pagpasok namin dun, kung ano ako, ako na talaga ‘yun. Kung ano ‘yung reaction ko ‘pag natakot ako, ‘yun talaga ‘yun.

“It’s a film but at the same time, totoong-totoo siya. Reality siya at the same time. ‘Yun ‘yung I think mas kaabang-abang and sobrang excited din ako… kasi nung napanood ko medyo raw pa siya,” pahayag ni MJ Lastimosa.

Pero ang isa sa ikinaloka niya nung nakatsikahan namin ay ‘yung kumalat sa social media ng diumano’y chat ng asawa ni Small Laude at ng isang babae.

Hindi naman sure kung legit ‘yung na-screengrab na chat ng dalawa, pero sa pag-uusap ng mister ni Small Laude at ng isang babae, parang pinagseselosan nito si MJ Lastimosa.

Nagulat si MJ sa balitang ‘yun dahil wala raw siyang kaalam-alam na nadawit siya sa ganung kontrobersya.

Hindi naman daw sila close ng mister ni Small Laude at minsan lang daw sila nagkita.

“Wala akong encounter with them. ‘Yung first and last encounter ko with them was in LA, nung na-invite ako sa mansion nila. Pero after that wala naman. Bakit anong nangyari?

“Pinagselosan ako? Ano ba kasi ang ginawa ko?” tanong sa amin ni MJ na walang kamalay-malay sa intrigang ‘yun.

Naloka siya nang tinawag siya roon na maitim at dugyot. “Hoy grabe naman ‘yung maitim!

“Kahit maitim, hindi ko siya ikinahihiya. Kaya nga nagbe-beach pa ako para umitim pa lalo,” bulalas ni MJ Lastimosa.

“Ako ba talaga? E hindi naman kami magkakilala. Sure ba kayong ako ‘yun? Baka mamaya naman… o baka may mga relationship din na mga selosa lang talaga ‘yung partner. Pero hindi naman niya partner ‘yun, ‘di ba?” sabi pa ni MJ.

Hindi naman daw niya nakita ‘yun sa social media. Ang nakita lang daw niya sa account niya nung itinag sa kanya ‘yung pagdating ng OFW na nakaligtas sa pagkabitay sa Indonesia.

“Actually, iba ‘yung tina-tag sa akin ‘yung may Mary Jane Veloso, tapos ‘yung picture ko ‘yung nilagay. ‘Welcome home Mary Jane, tapos picture ko’” natatawa pang pahayag ni MJ Lastimosa.

Jillian, mahaba ang exposure kay Bong

Sumabay naman sa promo ng MMFF entries ang pagsisimula ng season 3 ng action-comedy ni Sen. Bong Revilla na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis sa GMA 7.

Magsisimula na ito sa Linggo ng 7:15 ng gabi na tamang-tama lang na mapapanood ng buong pamilya ngayong Pasko.

Excited si Sen. Bong sa pilot episode nito dahil makakasama na niya rito si Jillian Ward.

Sobrang bagets pa ni Jillian nang makatrabaho ito ni Sen. Bong sa pelikulang Si Agimat at si Enteng Kabisote noong 2010 at nasundan ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si Ako noong 2012. Nagkasama rin sila sa infotainment show ni Sen. Bong na Kap’s Amazing Stories.

Dito raw sa Walang Matigas… ay hindi lang sa pilot episode mapapanood si Jillian. “Basta panoorin n’yo na lang,” napapangiting sagot ni Sen. Bong.

Maganda kasi ang role dito ni Jillian na nagpakilalang anak siya ni Tolome, kaya tiyak na hahanapin daw ito sa mga susunod pang episodes.

“Siguradong hahanapin ng follow-up. Kaya ayoko munang i-reveal.

“Mahaba ang magiging involvement niya, so basta abangan niyo,” sabi pa ni Sen. Bong Revilla.

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with