Kabayan, Hall of Famer na Sa Anak TV!
MANILA, Philippines — Umani ng 45 na parangal ang mga programa at personalidad mula sa ABS-CBN, kabilang ang Hall of Famer na si Kabayan Noli de Castro, sa 2024 Anak TV awards para sa pagtataguyod ng temang pampamilya at sa pagiging mabuting ehemplo sa kabataan.
Kabilang sa mga programang nakatanggap ng Anak TV seal para sa television category ay ASAP, My Puhunan, at TV Patrol. Ang mga programa ng Knowledge Channel na Agrikids, Lakbay Aral, Mathdali, Siklo ng Enerhiya, Tropang K!likasan, at Wow Bukidnon ay tinanggap din ang Anak TV seal para sa television category.
Tinanggap din ng Team Yey Explains, at ng mga programa ng Knowledge Channel na MathDali Online, Wikharian Online World, Knowledge on the Go, at Knowledge Channel’s Art Smart ang Anak TV seal para sa online category. Samantala, kinilala rin ang TV Patrol at Matanglawin na Household Favorite Programs. Ang Anak TV seal ay isang pambansang parangal na ibinibigay sa mga huwarang programa na may temang angkop sa mga bata.
Sina Belle Mariano, Francine Diaz, Jodi Sta Maria, Karylle Tatlonghari-Yuzon, Donny Pangilinan, Joshua Garcia, Luis Manzano, Paulo Avelino, at Robi Domingo ay pinarangalan bilang Makabata Stars (television and online categories) para sa pagiging mabuting halimbawa sa susunod na henerasyon.
Samantala, ang 12 na babae at 12 na lalaki na ibinoto ng netizens para sa pagiging huwaran sa mga batang Pilipino ay kinilala bilang Net Makabata Stars 2024. Labing-siyam dito ay mula sa ABS-CBN at sila ay sina Alexa Ilacad, Anji Salvacion, Argus Aspiras, Ariel Rojas, Belle Mariano, BGYO, BINI, Darren Espanto, Donny Pangilinan, Francine Diaz, Jeff Canoy, KD Estrada, Kim Chiu, Loisa Andalio, Noli de Castro, Paulo Avelino, Sarah Geronimo, Seth Fedelin, at Vice Ganda.
Ang Anak TV awards ay ibinibigay ng Anak TV, isang organisasyon na nagsusulong ng literasiya sa telebisyon at nagtataguyod ng mga palabas at programang angkop sa mga batang Pilipino. Ang Anak TV seal ay nagsisilbing gabay sa mga magulang na ang programang kanilang pinapanood ay angkop sa kanilang mga anak habang ang Makabata Star na parangal ay iginagawad sa mga mga personalidad na nakakuha ng mataas na boto sa mga symposia na itinanghal ng Anak TV sa mga paaralan at unibersidad sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
- Latest