Ang Himala at ang Espantaho
Isa sa pinakamahirap na gawing pelikula ay ang musical. (lalo na kung out of tune ka te!) Dapat maganda ang lapat ng musika, may interesanteng istorya at may maayos na pagpapakita ng mga eksena. (wow feeling film critic ha!) Sa darating na Metro Ma-nila Film Festival (MMFF), tanging ang movie musical lang ay ang “Isang Himala” starring theatre actress Aicelle Santos (na nakailang plays na local at international ha!) with music of Vince De Jesus (go ate ZsaZsa Zaturnah!) at directed by Pepe Diokno (na Best MMFF Director for Gomburza!)
Hango ito sa 1982 film na Himala na obra ng dalawang National Artist na sina Ishmael Bernal at Ricky Lee na pinagbidahan din ng isa pang National Artist na si Nora Aunor. (walang himala!) Naging stage play rin nang ilang beses noong 2000s. (umariba nang bongga si ate mo Elsa!)
Madalas comedy, fantasy o love story ang namamayagpag sa MMFF, pero umaasa ang buong cast na ma-appreciate ito ng manunuod. Sabi nga ng isa sa mga aktres rito na si Bituin Escalante: “Let’s not underestimate the audience. Ang importante maipakita ang isang obra tulad nito.” (or else lamunin kayo ni bituin sa pag-awit nya!)
Dagdag naman ni Aicelle: “Nangangarap kami. We hope moviegoers will come and watch this film musical with their family.” (ipatawag na rin ang buong barangay te!)
Hindi rin madali gumawa ng isang horror film (lalo na kung puro lang sigaw pero wa naman nakakatakot!) Pero isa ang genre na ito sa patok sa manunuod. (close ba tayo sa mga multo?!) Dalawa sa paborito kong pinoy horror films ay ang remake ng Patayin sa Sindak si Barbara (remake na naabutan ko!) at ang Feng Shui 1 (‘yung 1 lang ha!) Pareho itong idinirek ni award winning filmmaker Chito Rono. (direk pwede po ba ako sa horror?!) Kaya exciting dahil may entry sya sa MMFF, ang Espantaho starring Judy Ann Santos, Janice De Be-len, Chanda Romero and Lorna Tolentino. (walang Senator Lapid ha!)
“Sina Atty. Joji Alonso, our producer, Chris Martinez, our writer and of course Direk Chito Rono ay ang pinaka-anchor ng pelikulang ito.
Kaming mga artista, kami lang ‘yung magsasabuhay nung karakter na binuo nila. Kaya we are very lucky na nagkasama sama kami sa isang napakagandang pelikula. It does not always happen. Itong ensemble na ito, ilalaban ko ito,” pagbibida ni Juday. (ang batang may laban! Go!)
“Before terror si Direk Chito, may nerbiyos ka. May terror exercise. Pero ngayon, kalmado na.
Siguro ‘di na sya pwede masyado nagagalit, kaya nagtitimpi na sya. Mas mahaba na ang pasensya sa mga panahon nga-yon.
Pero nandun pa rin ‘yung passion, yung fire, ‘yung hunger for doing a great film, “paglalahad ni Ms LT. (ayaw nung scarecrow aka espantaho!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com
- Latest