Sinagot na ng aktres na si Kyline Alcantara ang tsismis na nagparetoke siya.
Pinag-usapan nga ang isang video na ipinost ng singer na si Christian Bautista kung saan puro throwback ang mga litrato ng mga kapwa niyang celebrity at hinihingian niya ng autograph ang mga ito.
Isa nga ang karelasyon ni Kobe Paras sa nahingian ni Christian ng autograph. Makikita sa video ang litrato niya noong bata pa siya.
Napa-“Oh my gosh” nga siya agad pagkakita niya ng sarili niyang litrato.
Sey nga niya ay pinaghandaan nga raw talaga ni Christian at talagang naghanap pa siya ng lumang litrato niya.
Nahanap nga raw ito ng singer at ang cute nga raw nito.
Annaliza days daw ito na ang tinutukoy ay ang seryeng pinagbidahan nila ni Andrea Brillantes noong mga bata pa sila.
Sinulit na nga rin ng aktres ang pagkakataon na magpaliwanag tungkol sa usap-usapang nagparetoke siya.
Habang pinapakita niya ang photo niya, sinabi niya na sa mga nagsasabi raw na nagparetoke siya ng cheeks, makikita raw roon na sobra-sobra raw ang cheekbones niya. Gusto nga raw niyang pabawasan iyon.
Sey naman ng mga netizen ay mukha naman talagang wala itong pinabago. Ngayong nagdalaga na siya at celebrity naman, kailangan talaga nilang alagaan ang sarili nila. Syempre nakakapagpa-facial na ang mga ito.
At kung sa ilong din naman ay hindi rin naman nila masabi dahil nag-iiba rin talaga ang ilong habang tumatanda at mukha namang natural ang ilong ng dalaga.
Saka kung magparetoke man ito ay wala nang pake ang bashers dahil hindi naman sila ang gumastos.
At kahit anong panlalait pa raw ng mga ito kay Kyline, hindi raw nito mababago na in love na in love ang anak ni Benjie Paras sa kanya.
Bongga.