Desiree, nasampal nang matindi si Paolo
Masayang inalala ni Desiree del Valle nang nasampal niya si Paolo Contis noon sa isang eksena sa Tabing Ilog. Mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas nang pumatok sa mga manonood ang naturang youth-oriented program ng ABS-CBN kung saan nagkatambal sina Desiree at Paolo. “Ang ganda nga eh. We were fighting as Corinne and Badong. So I slapped him and sobrang ang sakit, nagpa-cut siya. Sabi niya, ‘Cut, cut.’ Kasi sobrang sakit daw ng sampal ko. Hindi niya kinaya, kasi magkagalit kami eh,” natatawang kwento sa amin ni Desiree sa Fast Talk with Boy Abunda.
Nanligaw umano sa aktres si Paolo noon. Kahit hindi umusbong ang pag-iibigan ng dalawa ay maayos naman ang turingan ngayon nina Desiree at Paolo. “We worked together after Tabing Ilog with different stations before. We were together, so we were okay. May girlfriend siya noon. Ako, I was single, but you know, we did our job as actors. After Tabing Ilog, we would have reunion, we would eat out, have dinner. Everybody would attend,” kwento ng aktres.
Kabilang sa naturang serye ang ilan sa mga pinakamagagaling na aktor sa bansa katulad nina John Lloyd Cruz at Kaye Abad, Patrick Garcia at Paula Peralejo at Baron Geisler at Jodi Sta. Maria. Para kay Desiree ay talagang nahasa nang husto noon ang kanilang talento sa pag-arte. “That time, we learned. We have to trust the process, too on the set. Direk Malu Sevilla was our mentor, our director. May times nga Tito Boy na, ‘Oh! Kayo na ang bahala mag-block sa sarili n’yo.’ And ‘yung talagang bonding namin as friends was tight. We also know each other’s character very well. It wasn’t really like work to us. It was fun,” pagbabahagi niya.
Diana, limang taong napahinga
Mapapanood na ngayong January ang Mga Batang Riles na pinagbibidahahan nina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Raheel Bhyria, Bruce Roeland at Antonio Vinzon. Kabilang din sa bagong serye ng GMA network si Diana Zubiri. Masayang-masaya ang aktres dahil muling nakapagtrabaho pagkalipas ng limang taon. “Kami ang unang show na papasok ngayong bagong taon. So kami ang opening ng taon na ito kaya masayang-masaya ako dahil ito ang pagbabalik ko after ng limang taon,” bungad ni Diana sa 24 Oras.
Ginampanan ng aktres sa proyekto ang karakter ni Maying na ina ng karakter ni Miguel na si Kidlat. Ayon kay Diana ay talagang propesyonal sa trabaho ang Kapuso actor. “Magalang po ‘yung bata, may disiplina siya. Tsaka nakita mo, trained kasi nga po since bata pa naman siya, artista na siya, trained na siya, professional. Okay na okay ‘yung tandem namin bilang mag-ina,” kwento niya. (Reports from JCC)
- Latest