Michael, ayaw padala sa sistema ng pulitika

Michael de Mesa

Nagbigay ng opinyon si Michael de Mesa tungkol sa mga kapwa-artistang sumasabak sa mundo ng pulitika. May ilang mga nagsasabing kulang ang kaalaman ng showbiz personalities upang maglingkod sa bayan. “Nagkakaroon ng discrimination, although mayroon naman talagang marunong. I mean, hindi ko naman lalahatin. Mayroon naman talagang masasabi kong qualified na gustong makatulong, gustong mag-serve sa bayan, mayroon ding hindi. Pero para sa akin, kung gusto mo talagang tumulong at mag-serve, hindi mo naman kailangang pumasok sa politics. But there are some who are deserving to serve,” paglalahad sa amin ni Michael sa Fast Talk with Boy Abunda.

Hindi kailan man sumagi sa isipan ng beteranong aktor ang pagpasok sa pulitika. “Not my cup of tea. I know that it will change who I am. Because kno­wing our kind of politics, you come in with good intentions but you get swallowed up by the system. So I’d rather continue being who I am, quiet in my own private room,” natatawang pahayag ng aktor.

Nasasaktan umano si Michael kapag mayroong mga nagsasabing ang mga artista ay dapat na manatili lamang sa show business. Para sa aktor ay kailangang pagbigyan ang mga artistang nagnanais sumabak sa pulitika at maglingkod sa bayan. “There’s always this statement na aaminin ko masakit. Kasi ‘pag sinabing artista, kadugtong ‘yung salitang ‘lang.’ Pare-pareho tayong Pilipino, pare-pareho tayong nagbabayad ng buwis, pare-pareho tayong nagtatrabaho nang marangal. So bakit hindi natin bigyan ng pagkakataon ang isang arista lang na gustong manilbihan sa bayan,” paliwanag niya.

Gladys at Christopher, may pinagsisisihan

Apat ang naging anak nina Gladys Reyes at Christopher Roxas. Matatandaang nagpakasal ang dalawa noong 2004 pagkatapos ng mahigit isang dekada ng pagiging magkasintahan. Nagsimula bilang mga child star sina Gladys at Christopher kaya naman hindi malayong sumunod din sa kanilang mga yapak ang mga anak. “As long as hindi masa-sacrifice ‘yung studies nila. Kasi sa totoo lang, totoo ‘yung in the middle ng pag-aaral mag-aartista, tatamarin eh. Siyempre kapag nakaranas na siyempre hindi lang kumikita, tapos mapupuyat na, tatamarin na pumasok sa school. Kasi marami nang na-miss, ayoko mangyari sa kanila ‘yon,” nakangiting pahayag ni Gladys sa Push Bets.

Parehong hindi nakapagtapos ng pag-aaral sina Gladys at Christopher dahil na rin sa pagiging abala sa show business noon pa man.

Ayon sa aktres ay ayaw nilang danasin din ng mga anak ang naranasan nila ng mister. “Siyempre we were not able to finish. Kumbaga regret namin na we were not able to finish school. Pero ‘yung education lagi naming sinasabi sa mga anak namin. Hangga’t kaya naming ibigay sa kanila ay mag-aral sila. Kasi siyempre ‘pag well-educated ka, kahit saan ka ilagay, magsu-survive ka. Kaya ‘yon lang naman ang isa sa lagi naming binibilin sa mga anak namin,” giit ng aktres.

Sumabak na sa pagiging recording artist ang panganay na anak nina Gladys at Chirstopher na si Christophe. Napagsasabay ng binata ngayon ang pag-aaral at ang pagiging singer at songwriter sa pamamahala ng Star Music. “We believe na he is in good hands. Nakikita ko rin ‘yung creativity ni Christophe is nagagamit ‘cause he writes his own songs. Siguro for now music muna, recording na lang muna. Kasi sophomore siya sa U.P. Sila rin naman, the persons we are working with, very particular din sila sa studies na huwag pabayaan,” pagbabahagi ng dating child star. — Reports from JCC

Show comments