^

PSN Showbiz

Vic, ibang-iba sa Kingdom!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Vic, ibang-iba sa Kingdom!
Vic Sotto

Sa mga nagsisimbang gabi, ang gospel sa pangalawang gabi ay tumatalakay sa genealogy ni Jesus Christ.

Idinetalye ang pamilyang pinanggalingan ng ating manunubos, at ang sabi ng pari sa kanyang homily na nagmisa sa amin, marami sa atin na minsan ang pamilya ang siya pang nagbibigay ng pasakit sa atin.

At kahit gaano pa natin kamahal ang ating pamilya, merong ilan sa kanila ang siya pang nagbibigay ng sama ng loob o sakit sa atin.

Naalala ko ang kuwento ng The Kingdom na Metro Manila Film Festival entry ng MQuest Ventures Inc., M-Zet TV Productions at APT Entertainment, Inc. na isang alternative reality.

Hindi ko lang maidetalye ang kabuuan ng kuwento dahil iniiwasan ang spoi­ler. Pero ibang-iba ito sa mga usual na pelikulang napapanood natin.

Hindi period film, dahil contemporary ang kuwento, pero alternative reality ito na kung saan ibang Pilipinas ang ipinakita. Alternative Philippines na pinamumunuan ni Lakan Makisig na ginagampanan ni Vic Sotto.

Ibang-ibang Vic Sotto ang mapapanood dito at ito ang gusto ni Bossing Vic na bago ang ipapakita niya.

Walang comedy rito at dramang-drama rito si Bossing Vic kasama si Piolo Pascual at iba pang magagaling na co-stars nila na sina Sid Lucero, Christine Reyes, Ruby Ruiz, at Sue Ramirez.

Nagkaroon kami ng palitan ng text ni Pauleen Luna pagkatapos kong mapanood ang pelikula dahil talagang nanibago ako kay Bossing Vic sa pelikulang ito.

Sabi ni Pauleen, naghahanap daw talaga slla ng bagong gagawin ni Bossing Vic na hindi pa ginagawa ng Eat Bulaga host.

Tama naman at nakita ang sa tingin nila perfect for Bos­sing Vic. “We felt, like we needed a change,” paunang text sa akin ni Pauleen.

“Ang tagal na rin niyang gumagawa ng pelikula and it’s just about time to try something new. We’re happy with what he has done,” text ni Pauleen sa akin.

Naniniwala silang tatanggapin din ito ng fans ni Bosing Vic, kahit hindi siya nagpapatawa rito.

Seth, palaban sa best actor?!

Noong Lunes din ang premiere night ng My Future You na MMFF entry ng Regal Entertainment.

Sulit ang pagtitiyaga at paghihintay nina Francine Diaz at Seth Fedelin na mabigyan sila ng magandang film project at tamang-tama na sa kanila ipinagkatiwala ng Regal Entertainment ang magandang material na ito na isinulat at dinirek ni Crisanto Aquino.

Hindi na bago ang fantasy romance kung saan ang dalawang taong nag-ibigan ay nasa magkaibang timeline.

Ginawa na ito nina Carlo Aquino at Eisel Serrano sa pelikulang I Love You Long Time na entry Summer MMFF noong 2023.

Tipong ganun din ‘yung Moments of Love nina Dingdong Dantes at Iza Calzado na nasa magkaibang panahon pero nag-uusap sila sa telepono.

Ito naman ngayon sa laptop sila nagkikita at nagkausap, na kung saan nasa taong 2009 si Seth Fedelin at taong 2024 naman si Francine Diaz.

Maganda ang pagkalatag ng kuwento at may kilig-kiligan talaga ang FranSeth loveteam.

Kaya sobrang tuwa ng dalawa pagkatapos nila itong napanood sa premiere night na ginanap sa SM Megamall noong Lunes.

Nagpasalamat din si Roselle Monteverde na ang FranSeth ang kinuha nila para sa pelikulang ito ni direk Crisanto Aquino.

Wala raw silang problema sa schedule, pati sa promo, lahat daw ay pinupuntahan ng dalawa. Ang sipag daw nilang mag-promote.

Tinanong sila ni Ogie Diaz, kung bakit wala silang kissing scene. “Wala po,” natatawang sagot ni Francine.

“Sa part two?” “Darating tayo dun sa tamang panahon,” sabi naman ni Seth.

Paulit-ulit silang nagpapasalamat sa magandang feedback sa pelikula. Magaling pa silang umarte, at sa totoo lang, puwedeng lumaban si Seth Fedelin sa Best Actor category.

Puwede ring lumaban ito sa box office dahil gusto ng mga tao ang ganitong tipo ng kuwento na mala-Rewind din ang approach.

 

ACTOR

VIC SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with