Sharon, may paliwanag sa friendship ring
Mainit na pinag-usapan kamakailan ang tungkol sa pagbibigay ni Gabby Concepcion kay Sharon Cuneta ng isang singsing. Marami ang kinilig na mga tagahanga sa tambalan ng dating mag-asawa na nanood ng Dear Heart concert sa Hawaii. “Sabi niya it’s a friendship ring, sabi niya sa stage. That’s why I will hold him to this friendship. And sana walang problema sa darating na projects kasi kung hindi sisirain ko ‘to,” natatawang pahayag ni Sharon sa ABS-CBN News.
Sa susunod na taon ay nagpaplano sina Gabby at Sharon na pumunta naman sa Australia para sa pagpapatuloy ng kanilang world tour concert. Naging malapit nang muli sa isa’t isa ang dating mag-asawa dahil sa pagkakaroon ng reunion project. “I wasn’t sure that we would get along the whole time, but we did. We became closer. It’s amazing. It took us decades to get here it’s a blessing,” makahulugang pahayag ng Megastar.
Samantala, napapanood na ngayon sa Prime Video ang Saving Grace na pinagbibidahan nina Sharon, Julia Montes at Zia Grace. Ayon sa Megastar ay ramdam niyang malayo ang mararating ng child star sa show business. “Wala kaming tigil nang pagpapaalala sa kanya, kami ni Julia na huwag kang mayabang ‘coz when this comes out, sisikat ka. So when people tell you, ‘You’re beautiful,’ ‘Ang galing mo!’ say thank you. Feel good about it, pero huwag yayabang,” kwento ng aktres.
Keanna, negosyante na
Hindi man aktibo ngayon sa show business ay abala naman si Keanna Reeves sa pagnenegosyo. Sumagi umano sa isipan ng aktres na sumabak sa negosyo dahil naging matumal na ang trabaho. “’Yung active ka pa sa showbiz, parang wala ka talagang time na mag-business. No’ng time na di na ako nagkakaroon ng projects, doon ko naisipan na mag-business ako. Kasi this is the time na matututukan ko. Porke’t wala ka sa showbiz is wala ka na ring income. Ang showbiz hindi naman talaga stable job. So kailangan i-mindset n’yo ‘yan na talagang ang showbiz is gawin n’yo na lang siyang passion. ‘Yung iba ginawa nilang source of income pero paano kung wala ng project,” pahayag ni Keanna sa Push Bets.
Mayroon na rin sariling talent agency ang sexy actress ngayon. Sa mahigit dalawang dekadang aktibo sa showbiz ay natutunan na ni Keaana ang kalakaran sa industriya. “Nag-manage din ako ng talent and then may mga shows, movies, so tinodo ko na talaga siya. Siyempre 24 years na ako sa showbiz industry, alam ko na kung ano ‘yung gusto ng mga director. Meron kasi tayong tinatawag na telegenic, photogenic. So importante sa TV is telegenic ka, ‘yung maganda ang aura mo sa TV. Tapos siyempre character. Parang isang tingin ko lang alam ko na, na may potential ‘yung bata,” paglalahad niya.
Mas sumikat si Keanna nang tanghaling Big Winner sa Pinoy Big Brother noong 2006. Isang malaking karangalan para sa sexy actress na mapabilang sa naturang reality show ng ABS-CBN. “Nami-miss din at saka proud kami. Ang dami-dami, libo-libo ang gusto ma-experience ‘yung Bahay ni Kuya, at isa ka sa maswerte na nakapasok sa Bahay ni Kuya,” pagtatapos ng sexy actress. — Reports from JCC
- Latest