Ibang singer sa konsyerto... pinag-uusapan kung sino!

Zsa Zsa Padilla

May iba’t ibang meaning na ang KSP na  Konsyerto sa Palasyo na ginanap sa Malacañang. Maliban kay Zsa Zsa Padilla, sinabing mga da hu ang ibang mga performers. ‘Di kaya mas bongga pa kung mga Tawag ng Tanghalan o The Clash Finalists na lang ang pinag-perform? Kahit medyo Kaboring sa Palasyo ang concert, Kasarapan (ng Kain) naman daw sa Palasyo dahil sa aprub na lafang!

Sayang ang mga panauhin, hindi na-maximize? Bakit hindi man lang nagsalita ang Presidente? Maganda sanang pagkakataon iyun, di ba - first time niyang makaharap ang majority sa film industry, ‘di ba? Totoo bang may segue segue pa sa kanyang mga event kaya tinapos na raw agad ang event?

Gusto na naming awatin sina Dane Mercado at Molly Langley, ano ba ang kinalaman nila sa pelikula?

Okay naman sina Gian Magdangal at Jon Joven na minsan minsan din ay nagpe-pelikula, pero salamat kay  Zsa Zsa Padilla at may pamilyar na mukha at premyadong artista na mag-perform na special guest.

Taliwas sa nauna nang pinost ni Sharon Cuneta na nasa out-of-town ang asawang si Kiko Pangilinan, biglang umappear ito sa Palasyo.  Bakit kaya? Unity sa Malacanang?

May mga nabanggit namang  mga artista na wala naman doon kagaya nina Aga Muhlach, Piolo Pascual, Vic Sotto. Ultimo si Sen. Lito Lapid na isa sa imbitado ay hindi rin nakadalo.

Si Mylene Dizon na bahagi ng Uninvited ay dumating pero hindi siya tinawag ng host. Bakit? Pati nga Tirso Cruz III na nasa Uninvited din ay hindi rin tinawag. Anyare?

Pati nga si Direk Tuviera ng The Kingdom na maaga pa lang ay nandun na hindi rin tinawag kaya hindi na siya umakyat ng stage, buti pa si Pepe Diokno, tinawag kaya akyat sila ni Aicelle Santos. Anyare?

Nakakataquote:

“Happy and grateful for the KONS­YERTO SA PALASYO in honor of the Philippine Movie Industry and to pay tribute to the golden anniversary of the MetroManila Film Festival --- perhaps one of the best collection of entries for the past years.”

JOSE JAVIER REYES, FDCP Chair

Show comments