Kissing nina Atong at Sunshine, may iba’t ibang version
Dati nang bulung-bulongan, pero ngayon ay viral na ang kissing video nina Sunshine Cruz at businessman Atong Ang. Ang tanong ng netizens, paano na si Greta (Gretchen Barretto)?
Ang tanong namin: eh ano naman ang paki natin sa kanila, ‘di ba? Buhay nila ‘yan!
Premiere night ng MMFF entries, pabonggahan
Pabonggahan na ng pagpapa-premiere night ng mga pelikulang kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival ngayong linggo. Since libre ang premiere night, hindi na dapat masyadong maglabas ng pera diyan, ‘di ba?
Naalala niyo ba ‘yung Star Cinema entries dati, walang premiere night – press preview lang para sa press releases – para obligado ang fans na magbayad sa pagpanood ng sine, right?
Mas nauuso ngayon ang advance ticket selling at block screening! Dagdag na responsibilidad ‘yun sa mga artista, pero kailangan talagang mag-hard sell, ‘di ba?
May alam tayong entries na nagmamakaawa na sana magpa-block screening ng Dec. 26 para hindi sila mawala sa sinehan agad agad. Good luck talaga, ‘di ba? Hindi na natin tiyak ang panlasa ng masa, ‘di ba?
Kim at Janine, pinagkumpara!
Lumabas na ang sexy calendar with Janine Gutierrez at ikinukumpara ito with that of Kim Chiu. Kakatwa lang dahil pareho silang na-link kay Paulo Avelino, ‘di ba? Paseksihan, pagiging class na may senswalidad, at confident sa kanilang projection na talaga namang pagnanasahan.
Teka, bakit tila napag-iwanan si Julie Anne San Jose? Totoo bang imbes na pagiging sexy at ang sensuwalidad ang ipino-project, pinapakanta na lang siya sa events ng San Miguel, at least ‘yun ang kaibahan niya. Tama ba?
Ben&Ben at SB19, ibang level ‘pag nag-collab!
Pinatunayan na naman ng Ben&Ben na meron silang malakas at malaking loyal following with their sold-out concert sa MOA Arena entitled, The Traveller Across Dimensions Concert.
Ang sabi nila, “Where do we even begin? Grabe, sobrang puno ang mga puso namin dahil sa pagmamahal niyo sa amin at sa musika namin.”
“Thank you for always showing up for us, Liwanag. Thank you to our listeners, old and new - whether na-discover niyo kami sa soundcloud years ago or sa social media weeks ago, thank you.
“We are so so grateful that we get to create meaningful music na nasasamahan kayo sa araw-araw niyo at nagiging parte ng storya niyo.
“We love you all and we are excited to journey across dimensions with you!”
If ever ba, puwedeng magsanib-puwersa ang magkatapat na pinakasikat at pinakamagagaling na banda sa panahon ngayon – ang Ben&Ben at SB19?
If ever, ‘yan ang level Eraserheads at Rivermaya, and Side A at South Border ng sinauna! Exciting!
- Latest