Ex ni Anthony, ‘di pa tapos maghiganti?!

Maris Racal

May cryptic post na naman ang ex ng aktor na si Anthony Jennings na si Jam Villanueva.

Nag-repost ito ng maikling video tungkol sa pagpapatawad sa sarili ng isang motivational speaker.

“Forgive yourself for letting someone make you feel like you were easy to let go. Forgive yourself for making them number one when you were just a second thought. Forgive yourself for letting them heal when all they did was hurt you,” bahagi ng ni-repost nitong video.

Maaalalang nilabas niya ang palitan ng mensahe ng ex niya at ka-loveteam nitong si Maris Racal at diumano’y panloloko ng dalawa.

Naniniwala ang mga netizen na para ito kina Maris at Anthony na pagkatapos ng pag-expose niya ay humingi ng public apology ang dalawa kung saan hati ang naging opinyon ng mga tagahanga nila. Mas marami ang sinisi ang aktor.

Pero mukhang hindi pa raw ito tapos sa paghihiganti at payo sa kanya ng mga netizen ay mag-move on na siya.

Dapat daw tularan nito ang sinabi ni Kathryn Bernardo na dapat muna niyang patawarin ang sarili bago mo mapatawad ang iba. Gaya rin nito ay dapat manahimik na ito sa hiwalayan nila para hindi na rin siya ma-bash.

Mukhang nag-backfire rin kasi sa kanya ang ginawa niyang pag-expose sa dalawa at lalo pa nga raw sumisikat si Maris sa ginawa niya.

Sana raw ay maka-move on na ito lalo na at marami naman daw lalaki diyan at graduate pa raw.

‘Kaloka.

Show comments