Nabuhayan nga ba ng pag-asa ang KathNiel fans dahil sa napabalitang pagkikita raw uli nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa backstage ng Araneta Coliseum noong ginawa nila ang Christmas special ng ABS-CBN.
Ayon sa tsika ni Ogie Diaz, nagbigay raw ng flowers si Daniel kay Kathryn, pero wala pang nagkumpirma mula sa dalawa o kahit sa kampo nila.
Kaya ‘yung mga naiiwan pa ring KathNiel fans ay nabuhayan ng loob at umaasa pa ring magkakaroon sila ng project na pagsasamahan muli.
Ang bongga siguro nu’n kung matuloy, lalo na’t kung may konek sa totoong kuwento nila ang tatalakayin ng film project.
Pero halos magkasunod ang mga pangyayari nang magpa-Thanksgiving party naman ang Hello, Love, Again. Doon na rin nila inanunsyo na signing off na sina Joy at Ethan ng Hello, Love, Goodbye at ang Hello, Love, Again.
Ibig sabihin ba nito ay wala nang part three ng sikat at box-office hit na pelikulang ito nina Kathryn at Alden Richards?
Ang isa pa kasing naririnig namin ay ang pag-uusap ng ABS-CBN at GMA 7 na isang drama series na posibleng pagsasamahan ng dalawa.
Dagdag pang tsika, hinihintay raw ng GMA 7 na ibenta na ang rights ng sikat na K-drama na Queen of Tears. Kung matutuloy ito, magandang material ito at bagay sa KathDen.
Pero wala pang katiyakan ‘yan, at wala pang nagkumpirma mula sa ilang napagtanungan namin sa GMA 7.
Pero kung signing off na nga sina Joy at Ethan ng KathDen, bakit hindi pabalikin sina Kathryn at Daniel?
Sabi nga ng ka-PEP Troika kong si Jerry Olea, puwede rin daw ang KathNiel na ang gumawa ng Hello, Love, Forever na ang magiging title nila.
Naalala namin ang kuwento ng interview noon ni Jessica Soho ng KMJS kay Kathryn na kabilin-bilinan daw na no questions about Daniel. Pero humirit pa rin daw ng tanong si Ms. Jessica kay Kathryn.
Sinagot naman daw ng Kapamilya actress, pero pagkatapos daw nu’n ay sobrang nag-react daw si Kathryn nang napag-usapan si Daniel.
Hindi lang sure ‘yung source namin kung nag-iiyak si Kathryn, pero ipinakiusap na lang daw ni Alden sa KMJS na huwag nang ilabas ang bahaging ‘yun, at sinunod naman daw ang pakiusap. ‘Yun na!
Bong, ayaw magsinungaling
Si Cong. Lani Mercado ang una naming naisip nung inamin na ni Sen. Bong Revilla sa nakaraang media conference ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis ang pagkakaroon niya ng anak sa ibang babae.
Alam namin ang nararamdaman niya sa pagkakataong ‘yun kaya sana huwag nang lumaki pa.
Para kay Sen. Bong ayaw niyang itago ang mga ganitong isyu dahil mga bata ang involved.
Ayaw naman daw niyang magsinungaling at naging totoo lang siya sa mga entertainment press na malapit sa kanya. Kaya pinuri siya ng mga ito sa pagiging totoo.
Pero para kay Sen. Bong, si Cong. Lani pa rin ang pinakamatinik na misis.
“Ang matinik na misis sa akin, ‘yung matalino, mapagmahal, may puso, at sensitive sa lahat ng mga ginagawa ko.
“At sensitive sa lahat ng ginagawa niya sa tao. ‘Yun ang isang matinik na misis para sa akin. Si Lani ‘yon, ‘di ba?” pakli ni Sen. Bong.
Nagpapasalamat siya sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya, lalo na ang buo niyang pamilya na makakasama niya sa Pasko at Bagong taon.
“Meron pa akong bagong apo. Tapos meron akong lawyer, meron akong anak na doktora, ‘di ba?” sabi ni Sen. Bong na excited sa bagong apo niyang si Baby Matti, ang anak nina Gianna at Jed Patricio.
“Tapos we’re OK in the survey. We’re doing very well in the survey. Andaming blessings. Nakikita n’yo I’m everywhere. Umiikot tayo buong Pilipinas. Nakagawa pa ako ng project ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, but ‘yung trabaho ko sa Senate, I’ve never been late. Never been absent. Perfect attendance po ako. At marami tayong performance sa Senado kaya marami tayong award na natatanggap din.”
Ano ang plano ng kanilang pamilya sa Pasko?
“Christmas, dito lang kami sa Cavite, sa farm, the whole family. Nagyayaya ‘yung mga kapatid ko sa Korea but mukhang may gulo yata dun, e.
“Baka dito na lang tayo,” sabi pa ni Sen. Bong Revilla.
Dahil sa ginawa ni sen. Bong na pag-amin, nagtatanong tuloy ang ilan kung kailan naman daw aaminin sa publiko nitong sikat na aktor tungkol sa mga anak nila ng karelasyon niyang aktres.
Pero buhay nila ‘yun, wala na tayong magagawa kung itatago pa nila ito.