Nagkwento na si Nadia Montenegro tungkol sa kanyang heart surgery para sa kanyang Wolff-Parkinson-White (WPW) syndrome kamakailan.
Ibinahagi niyang meron na siyang ganito noong 17 taong gulang pa lamang siya at ang surgery niya kamakailan ang pinaka-una niyang operasyon.
Ang sabi, ang WPW syndrome ay isang heart condition na congenital o meron na pagkapanganak. Ang meron nito ay merong extra pathway sa puso nila na nagdudulot ng mabilis na pagtibok ng puso.
Ayon naman sa dating aktres na ngayon ay tama ba, coordinator ni Robin Padilla sa kanyang opisina sa Senado, ay hindi raw naman ito nakamamatay kaya hindi niya ito pinaopera kaagad. Pero ang nangyari raw sa kanya noon ay nag-palpitate siya at inatake siya nito. Bumagsak daw ang blood pressure niya imbes na tumaas.
Ang bunso niyang anak na si Sophia pala ang sumama sa kanya nang maospital siya.
Noong nasa ospital daw siya ng alas-sais ng umaga ay hindi pa raw niya nakakausap ang lahat. Parang gusto raw niyang magsabi ng “I love you” sa lahat at tawagan ang lahat.
Ganon daw pala ang pakiramdam ng hindi ka sigurado kung makakalabas pa ng ospital na ang dami raw pala niyang biglang iisipin na gustong sabihin.
Sa kanyang surgery, ibinahagi niyang meron siyang apat na catheters sa kanang artery at tatlo sa kaliwang artery niya.
Sinunog din daw ang valve niya at gising daw siya habang ginagawa ang lahat ng ito kaya nararamdaman niya ito. Parang naging scary raw ang pakiramdam. Doon daw niya napagtanto na hindi niya kayang mabuhay nang wala ang mga ito.
Mukhang ok na ngayon si Nadia at mabilis ang kanyang naging recovery dahil base sa kanyang post ay nakabalik na rin siya sa kanyang pagluluto sa kanyang vlog.
Mabuti naman at masasabing pangalawang buhay na ito ni Nadia.