Atom, nanalo sa red-tagging

Atom Araullo at Atty. Tony.
STAR/ File

Nanalo si Atom Araullo sa kanyang civil suit laban sa kanyang mga red-tagger.

Inutusan nga ng Quezon City Regional Trial Court Branch 306 ang mga host ng SMNI na sina Lorraine Badoy at Jeffrey Celiz na magbayad kay Atom ng P2.080 million bilang danyos at bayad sa mga abogado upang mabayaran ang “red-tagging at ang mga epekto nito sa kanyang personal na buhay at sa kanyang karera bilang isang journalist,” ayon kay Judge Dolly-Rose Bolante Prado sa kanyang desisyon na may petsang Disyembre 12, at inilabas sa media noong Biyernes, Disyembre 13.

Sinasabing ang kaso ay game changer dahil ito ang unang application sa desisyon ng Supreme Court (SC) na inihayag lamang noong Mayo na tinukoy na ang red-tagging ay isang banta sa konstitusyonal na karapatan ng isang tao.

Show comments