^

PSN Showbiz

Yasmien, nadurog ang puso sa gupit-gupit na litrato ng anak!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Yasmien, nadurog ang puso sa gupit-gupit na litrato ng anak!
Yasmien Kurdi at Ayesha.
STAR/ File

Dumaranas ng depression...

Hanggang kahapon ka-text ko si Yasmien Kurdi,  malungkot at nag-aalala pa rin siya sa kanyang panganay anak na si Ayesha, pagkatapos ng pambu-bully sa eskwelahan ng anak.

Kamakailan lang ay ipinost ni Yasmien sa kanyang social media account ang nangyaring pambu-bully umano ng ilang classmates niya.

Kaya nag-decide muna siyang mag-leave ang kanyang anak, dahil sa bigat na pinagdaanan niya at ipinarating ito ni Yasmien sa school.

Bahagi ng FB post nito, “Ayesha took a vacation to relieve the stress caused by another students who harassed her by taking video without her consent. This caused her paranoia and anxiety.”

Kinumusta ko kay Yasmien ang kanyang anak at nalulungkot siya dahil mukhang dumaan sa depression si Ayesha. “Hi Tito, eto nasa house lang po siya. Hindi po siya nakapag-take ng exam dahil very down ang bata. Most of the time, natutulog lang,” text ni Yasmien sa akin.

Kaya sinaggest ko sa kanya na mas mabuting hingin ang tulong child psychologist. Ipapa-schedule na nga raw nila.

May isa pang post si Yasmien na umiiyak dahil nakukunsinti pa raw ng magulang ang anak nilang nam-bully.

Meron pang ipinost si Yasmien na kuha ng litrato ni Ayesha na pinaggupit-gupit. Nasa caption niya, “Maiiyak ka na lang talaga.”

Sabi pa niya, “Nadurog ang puso ko ng makita ko ito sa taas ng desk ng anak ko (sad and heartbroken emoji).”

May isa pang post ang Kapuso singer/actress na kasama naman niya ang kanyang dalawang anak.

Mahirap itong pinagdadaanan ni Ayesha, pero tiyak na mabigat din ito para kina Yasmien at Rey Soldevilla na dumadaan sa ganung karanasan ang kanilang anak.

Yen, may paramdam sa breakup nila ni Paolo?!

Naintriga naman kami sa ipinost sa Instagram story ni Yen Santos na kuha ng isang libro na ang title ay The Boyfriend ni Freida McFadden.

Wala naman sigurong kinalaman sa lovelife niya kung meron, pero dahil sa The Boyfriend ang title, nakakaintriga lang dahil nabalitang hiwalay na sila ni Paolo Contis.

Sinabi naman ng Kapuso actor sa huling interview sa kanya ni Kuya Boy Abunda sa Fast Talk na single raw siya. Pero may naririnig kaming okay naman daw ang dalawa. Hindi lang alam kung friends lang sila o nagkabalikan.

Tinanong ko naman si Paolo, pawang padededma at hindi talaga siya sumagot sa mga tanong ko na may kinalaman kay Yen.

Sabi naman ng ilang taong malapit sa Kapamilya actress, nagustuhan lang daw talaga ni Yen itong librong binabasa niya. Wala raw ibig sabihin ‘yun, wala raw hidden meaning ‘yun.

Mas maganda raw kung basahin na lang dahil maganda raw lalo na ang ending nito na may bonggang twist.

Speed, pasasayahin ang mga taga-tondo!

Maraming salamat sa grupong SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) na binubuo ng mga entertainment editors sa ibinigay nilang tulong sa mga kabataang taga-Parola, Tondo at sa mga nasunugan sa Isla Puting Bato.

Magkakaroon ng feeding program at gift-giving para mapasaya naman ang Pasko ng mga batang taga-Tondo.

Binuo ito ng grupo ng co-host ko sa DZRH na si Morly Alinio, at marami ang sumuporta sa kanila, isa na nga rito ang SPEEd.

Nakakatuwa dahil marami pa rin naman talaga ang nagbibigay ng panahon at tulong sa mga kapuspalad.

Ang isa pang nakakatuwa ay itong grupo ng Filipino-Chinese na businessmen, ang Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc.

Hindi sila nagpapabaya sa paghatid ng tulong sa mga nangangailangan.

Ang maganda pa rito ay isinama pa nila si Jose Mari Chan na talaga namang very visible tuwing Pasko.

Malaking bagay na kasama nila ang iginagalang na Tsinoy na singer-songwriter at businessman para magbigay ng kasiyahan sa mga pinapadalhan nila ng tulong.

Si Dr. Cecilio Pedro ang CEO at Presidente ng Lamoiyan Corporation na laging nandiyan sa mga nangangailangan ng tulong.

Isa pang sobrang sinuportahan nila ay si EJ Obiena na lagi silang nandiyan kapag may laban ang magaling na Filipino pole vaulter.

YASMIEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with