^

PSN Showbiz

Enrique, ayaw gamitin si Liza!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Enrique, ayaw gamitin si Liza!
Enrique Gil at Liza Soberano.
STAR/ File

Ayaw nang magsalita pa ng aktor na si Enrique Gil tungkol kay Liza Soberano.

Nang tanungin siya sa isang interview para sa promo ng kanyang pelikulang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital ay may isisingit sanang tanong tungkol sa aktres pero mas pinili niyang huwag na itong sagutin.

Ayaw raw niyang gamitin si Liza para sa kahit anong promo at mas gusto lamang niyang pag-usapan ang pelikula nila na isa sa entry sa Metro Manila Film Festival.

Na-appreciate naman ng mga tagahanga niya ang pagiging gentleman niya.

Mukhang natuto na raw ito dahil naba-bash ito tuwing nagsasalita siya tungkol sa dating ka-loveteam habang nagpo-promo sa kanyang proyekto. Naaakusahan siyang ginagamit ito para mapag-usapan.

Hindi na nga raw nito kailangan pa ang aktres dahil kaya na raw nitong mag-solo sa project.

Pinuri pa nga siya sa pelikula niya na very out of the box daw at nagustuhan nila ang pag-arte nito sa iba’t ibang role kesa sa mga dati niyang ginagawa.

‘Ayaw ko sanang makisawsaw’

Medyo napagod ako sa lunch natin, Salve, nina Pat-P Daza at Gorgy Rula. Talagang pressure na rin sa akin ang paglabas ng bahay.

Kaya ang advice ni Pat-P once a week na lang talaga ang lunch meeting natin. Kailangan ko rin naman kasi ang fresh air at chikahan portion once in a while. Hindi puwede na watch TV lang ako. Kahit pa nga kadalasan sa telepono ako kino-contact at nabibigyan ng little news sa mga nagaganap sa paligid.

Kahit pa nga akala ko quiet ang pagiging semi-retired ko, hindi pa rin pala. Ako pa rin kadalasan ang tinatawagan para magbigay comment sa mga nagaganap.

Kahit nga hindi ko na kilala mga bagong artista at ayaw ko nang makisawsaw sa issue, nasasali pa rin ako. ‘Kalokah talaga.

LIZA SOBERANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with