Sharon tatapak sa Malacañang, Juday at Nadine ‘di dadalo

Sharon Cuneta.
STAR/ File

Tumpak ang ating hinala, inihabol na in-endorse na rin ni Megastar Sharon Cuneta ang pelikula ni Ate Vi (Vilma Santos) na Uninvited! At heto ang masaya, invited si Shawie sa Konsyerto Sa Palasyo para sa Pelikulang Filipino. Magkikita-kita ang lahat sa Malacañang sa Linggo. Pati nga si Hilda Koronel (na kasama ni Sharon sa MMFF entry niya noon na Crying Ladies ay pupunta rin daw).

Tama ba ang ating narinig na ang tatlong kumpirmadong hindi makiki-Konsiyerto sa Palasyo ay sina Judy Ann Santos (Espantaho), Nadine Lustre (Uninvited) at Bituin Escalante (Isang Himala)? Bakit kaya?

Pressure cooker ni Marvin, inirereklamo

Jusko, ano itong talak ng isang insider? ‘Wag kayong magpaloko sa pressure cooker ni Marvin A. Isang gamit pa lang, sira! Anyare? Sobra bang na-pressure? Wala bang policy ng return and exchange?

Naku, nakakadagdag ang ganitong pressure sa Christmas season huh!

Ella Mae, babalikan ang mga kanta

‘Do you all think I should re-record the song Till My Heartaches End?’ ‘Yan ang tanong ng original na Queen Of Soul na si Ella May Saison? (Hindi kaya magprotesta ang maka-Jaya sa title? Hehehe!) Well nauna naman sa Ella May sa title na ‘yan at sa local music industry kaya may K siya ryan.

Ang sagot ni Vehnee Saturno sa tanong niya, “You can never release it in another label unless  Viva will release it.”

Sari-sari ang reaksyon ng iba kesyo ‘wag nang galawin ang orig kasi ok na. Pero kung ibang arrangement o may dagdag na lyrics ok rin.

Kayo, ano ang trip niyo? Abangan natin ang gagawin  ni Ate Ella May sa kanta.

Show ni Mikee, tumatak sa mga interview

Kumusta na ba ang cooking show ni Mikee Quintos? Bakit mga ganitong istorya ang nahahighlight at hindi ang lutu-lutuan?  Hehehe! Ano na pala ulit ang title ng show niya? Uy ‘yung pumalit sa Dapat Alam Mo… alam mo pa ba? Hehehe!

Nakakataquote:

“I understand that many people are concerned about gambling due to the risks of addiction and financial loss. However, I believe that when approached responsibly, it can be an enjoyable form of entertainment.” –Maine Mendoza on online gambling

Show comments