GF ni Joshua, unbothered sa MOMOL!
Unbothered ang rumored girlfriend ni Joshua Garcia na Filipina-French athlete na si Emilienne Vigier sa intriga tungkol sa aktor at aktres na si Elisse Joson.
Kumalat ang isyu kamakailan na nag-MOMOL (Make Out Make Out Lang) daw sina Joshua at Elisse sa nakaraang Star Magical Christmas Ball na nagtataka naman ako kung paano kumalat.
Pero pinakita ng Filipina-French golfer na hindi siya apektado sa isyu ng boyfriend at ipinost nito ang mirror selfie nilang magkasama.
At totoo kaya na inaayos ni Emilienne ang relasyon nila ng aktor?
Parang ang wild naman daw ng dalawa kung totoong alam nito ang lahat lalo na at pamilyado na si Elisse na may anak na kay McCoy de Leon.
Depensa naman ng mga netizen na tila boto kay Emiliene ay hindi nga raw dapat ito ma-stress dahil masyado raw itong maganda para magpaapekto.
Ang iba naman ay tingin nila ay promo lamang iyon sa bagong serye na pinagbibidahan ni Joshua na Pinoy adaptation ng Korean series na It’s Okay To Not Be Okay kasama si Anne Curtis na kalalabas lamang ng teaser. Baka raw pampaingay lamang ito.
Hirit naman ng mga marites ay sana raw may maglabas ng ebidensya.
Hula naman ng iba ay mukhang pinangtakip lang daw ito sa kontrobersya nina Maris Racal at Anthony Jennings.
Whooaaa. ‘Kaloka sila. Tigilan nilang ako lalo na at hindi naman nila ako kakilala.
Hahaha. Sawsaw lang me para hindi maiwan ng mga isyu.
- Latest