^

PSN Showbiz

Sikat na aktor, may ‘balak’ kay Maris… Juday, nagpa-palpitate sa BI!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sikat na aktor, may ‘balak’ kay Maris… Juday, nagpa-palpitate sa BI!
Maris Racal

Naloka ako sa isang sikat na aktor na napag-usapan namin ang pinaplano niyang pelikula.

Talagang naisip niyang kuning artista at type niyang maka-partner sa next project niya ay si Maris Racal.

‘Yung pagkasabi niyang puwede niyang i-partner ang kontrobersyal na aktres, nakikita kong may pagnanasa e!

Kasi naman sa totoo lang, may ilang kalalakihang parang iba na ang dating ni Maris Racal sa kanila. Lalo na nang napanood daw nila ang trailer ng Incognito na naka-two piece ang aktres na kuha sa Italy, sobrang naseksihan na sila.

Parang lalong nagkaroon ng sensuality si Maris pagkatapos ng kontrobersyang kinasangkutan nila ni Anthony Jennings.

Kaya baka mabago ang takbo ng career ni Maris kapag ma-handle lang nang mabuti itong negatibong isyung kinasuungan niya.

Napag-usapan namin ni Judy Ann Santos sa nakaraang media conference ng Metro Manila Film Festival entry niyang Espantaho ang love­team nila noon sa loveteam ngayon.

Judy Ann Santos

Matagal siyang napatingin sa akin nang tinanong ko kung naintindihan ba niya ang mga magka-loveteam na nagkakadebelopan at nagkaka-inlaban. “Ako pa ba ang hindi makakaintindi diyan? Nakailang beses kang… ay tapos na ‘yun?” bulalas ni Judy Ann.

“Mapagdaanan n’yo talaga ‘yun e. Kasi wala kayong choice. You always see each other. Nagpo-promote kayo, ang then ‘yung network will have to tell you na o kailangan mas-sweet pa kayo ha? May ganun! I mean, let’s be blunt. Kasi binebenta n’yo ‘yung pelikula n’yo hanggang sa maging natural na ‘yung sweetness n’yo kasi kayo na ang nagkikita araw-araw,” dagdag niyang pahayag.

Pero siyempre iba na ngayon kung ikumpara sa love­team at pakikipagrelasyon noon. Noon ay wala ‘yung mga screen grab, walang mga video, o pictures na mabubunyag sa publiko. “Wala! Ano lang ‘yun! Pocketbell lang at saka Easy Call, beeper lang. E ‘yung beeper, hindi ka naman puwede magsasabi ng mga malalaswang salita.

“O yes! I feel for this generation now, you really have to be very careful. Kasi, anything can really happen. You have to be very disciplined. Alam mo dapat ang ginagawa mo at kaya mong panindigan kung ano man ‘yung mangyari.

“It’s just that… sabi ko ‘pag nag-uusap kami magkakaibigan, nakakatakot na itong panahong ito.

“Dati ‘yung blind item… hindi na nga mabubuntis ‘yun kasi magazine at tabloid ‘di ba? Wala namang ise-search. Ngayon ‘pag tinayp mo na, dayyyy nakaka-tense nakakapag-palpitate. Pero sana ‘di ba? Let’s all be kind,” natatawa nang pahayag ni Judy Ann Santos.

Kaya ngayon ay talagang tinututukan daw niya ang mga anak niya, pero nakikita naman daw niyang behaved ang mga ito.

Janice, ayaw sumawsaw sa problema ni John! 

Doon din pala sa mediacon ng Espantaho ay napag-usapan din namin ni Janice de Belen ang mga anak nila ni John Estrada.

Hindi naman itinatanggi ni Janice na naapektuhan din ang mga anak nila sa isyung kinasangkutan ng kanilang ama.

Nandiyan pa rin ang problema nina John at Priscilla Meirelles, naapektuhan din ba ang mga anak nila. “Of course mga anak sila. They will always be affected. Kasi, hindi naman kabarkada lang e. Barkada nga naa-affect ka e,” pakli ni Janice.

“We talked about it because nasasabi nila kung ano ‘yung nararamdaman nila. But then again, they’re adults already, maraming bagay na silang naiintindihan from the past and the present. So, I think they’re handling it well,” sabi pa ni Janice.

Personal na nararamdaman daw ito ng mga anak niya, kaya hindi raw siya ang dapat magsalita tungkol diyan.

Lalo na’t wala raw siya sa lugar para magkomento sa isyu nina John at Priscilla.

Okay naman daw sila ni John bilang magulang ng kanilang mga anak. Pero malalaki raw ang mga bata, kaya diretso na silang nag-uusap.

ACTRESS

JUDY ANN SANTOS

MARIS RACAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with