Biglang binuhay ang pagkatalo sa Showtime

Sofronio

Ang sabi - “Sampal sa isang noon time show ang pagwagi ni Sofronio sa The Voices of America. Talaga? Parang hindi naman.

May sinasabing tamang timing lang. Magaling na siya noon kaya nga nakaabot siya sa grand finals ng Tawag Ng Tanghalan noong 2017 pero sino nga ba ang nakatalo sa kanya?

Panahon ‘yun ng Janine Berdin. ‘Wag na rin silang pagkumparahin. Pana-panahon lang iyan! Sana mabigyan ng magandang pagkilala maging dito sa ating bansa si Sofronio. Sana.

Kaysa rin sitahin ang judges noong panahong nag-TNT si Sofronio, mas magandang papurihan ang nagawa niyang improvement sa boses niya, ‘di ba? Isipin na rin natin ang hindi si Sofronio ang unang Filipino contestant sa US singing competitions. It’s a matter of taste. Dito lang kasi sa atin mahilig tayo sa mga birit-birit, eh hindi ganu’n si Sofronio. Mas hinanahap siguro sa The Voice ang vocal control, soul, nuanced emotion.

Kaya rin marahil, nagswak ang tadhana ni Sofronio sa hinihingi ng pagkakataon doon, ‘di ba?

Hayun, nagwagi nga siya! Mabuhay, Sofronio! Aabangan namin ang iyong pagbabalik-Pinas!

Sharon, ang daming papanoorin sa pasko

Nag-post na ang Megastar Sharon Cuneta, “And dalawang pelikula sa MMFF 2024 na di ko puede palagpasin! @officialjuday @lornatolentinofernandez @praybeytbenjamin endorsing “Espantaho” and “And The Breadwinner Is” sa mga pelikulang susuportahan dapat sa MMFF.

A few minutes later, may nadagdag na , “At ito! Isa pang di puede palagpasin! Nandito anak ko eh! @montesjulia08 #mmff2024” referring to “Topakk.”

Ang tanong: hindi kaya magdagdag pa nang mag­dagdag si Mega ng mga pelikula lalo pa kung aware siya na may entry rin sina Ate Vi (Vilma Santos) at Aga Muhlach na mga kaibigan niya? At kahit nga ang The Kingdom ni Vic Sotto at ni Piolo Pascual na ipinost niya sa IG niya rin recently? Baka nga pati Green Bones isama niya dahil nandu’n si Michael de Mesa na kasama niya sa Ang Probinsyano at kapatid ng BFF niyang si Cherie Gil. Very Mega!!! Abangan natin ‘yan!

Ang maganda, support talaga siya sa MMFF at sa mga pelikulang kalahok dito!

Nakakataquote:

Ang pahayag ni Ruru Madrid sa hamon sa pelikula niyang Green Bones sa MMFF na kokonti lang daw ang sinehan:

“May rason kung bakit tayo mga underdogs. Para hindi natin i-take for granted ang mga bagay na dumarating sa atin. Laban lang po!”

“UDs unite po talaga! Ang journey po na ito ay kailanman hindi naging madali, pero yun ang dahilan kung bakit napaka sarap sa puso sa tuwing pinagkakaloob sa atin ang ating mga mithiin. Lahat ng challenges at setbacks, ‘yan po ang humuhubog sa atin. Lagi pong may dahilan ang Panginoon, at ang pagiging underdog ang nagtuturo sa atin na manatiling humble at masipag. ????

“Patuloy po nating patunayan ang ang hard work at puso, kayang dalhin tayo sa TAGUM­PAY. Laban lang.”

– Ruru Madrid, Xavier Gonzaga ng Green Bones

Show comments