Momol daw nina Joshua at Elisse, pinagdududahan?!
Pagkatapos ng Maris Racal at Anthony Jennings na issue, bakit parang pinalalaki ang pagmo-MOMOL (Make Out Make Out Lang) diumano nina Joshua Garcia at Elisse Joson, totoo ba ito? Hindi ba’t may kanya-kanya silang mga partner? At talagang sa isang hotel kung saan ginanap ang event nangyari ang diumano’y milagro? Talaga?
Hindi tayo agarang naniniwala, ‘di ba, pero ang tanong – saan nanggagaling ang balitang ganito?
At bakit? Sino ang nakikinabang?
Himala, kailangan ng koordinasyon
Totoo bang nagkakaasaran na ang mga artista at ibang namamahala ng promo ng pelikulang Isang Himala dahil hindi naco-coordinate nang mabuti ang mga schedule ng mga tao at pati na ng mga estudyanteng dadalo ng school tours?
Parang amateur daw ang pagpapatakbo ng promo nito kaya sabi nga ng marami sa press, itong Isang Himala ay nanganganib maging tail-ender sa darating na Metro Manila Film Festival.
Hindi ba kung nagkataon, nakakahiya ito sa legacy ng National Artists na siyang unang nagtaguyod ng klasikong pelikulang ito?
Sana nga makapantay ito sa pagtodo sa promo nga iba’t ibang entries! Sana.
Stage play ni Jose Mari, parang college project ang production?!
Natapos na kagabi on a high note ang play ni Iza Calzado na Tiny Beautiful Things at talagang todo puri ang mga tao sa galing sa aktingan.
Pero bakit marami sa mga nag-show buy sa Jose Mari Chan Musical na Going Home For Christmas ay nagsasabing parang College Project lang daw ito?
Totoo bang marami rin sa kanila ay hindi kumita raw?
Kawawa naman, paano na sila makakakanta ng “Let’s sing Merry Christmas, and a happy Holiday” – kung ganyan ang resulta sa takilya – flopsina?
Mr. M, wala na sa GMA?!
Nakita na natin ang mga Christmas Station IDs ng Kapuso, Kapamilya at Kapatid.
Parang usung-uso na ang advertising na incorporated na sa ID ‘no? At laging may branding na – pati promo ng bagong pelikula!
Ngayong linggo naman, mag-e-effort na ang mga network sa kanilang mga Christmas TV Special! Parehong sa Araneta Coliseum gaganapin ang palabas ng ABS-CBN at TV5, pero alam niyo ba ang balita? Si Mr. M o Johnny Manahan ang mamamahala sa TV5 presentation.
Ang tanong, wala na bang commitment si Mr. M sa GMA 7?
Bakit kaya hindi siya masyadong nabigyan ng boses sa Sparkle roon?
Nakakataquote:
“I was never considered to do actions films, action projects. This is the first time.”
– Enchong Dee on his role in Topakk
Kailangan bang i-memorize ‘yun? Hehehe!
- Latest