Ang dami nang nakisawsaw sa isyu ng MaThon loveteam nina Maris Racal at Anthony Jennings na parang akala mo ngayon lang sila nakabalita ng ganung klaseng iskadalo.
Nanatiling tahimik ang dalawa at hindi na nga sila isinama sa promo ng Metro Manila Film Festival entry nila ni Vice Ganda na And The Breadwinner Is…
Akala ng karamihan ay magbibigay ng statement sa nakaraang mediacon ng kanilang pelikula, pero ang safe lang ng sagot nito nang kinumusta ang naturang loveteam. Pero halatang apektado sila sa challenge na pinagdaanan ng pelikula, lalo na ang kina Maris at Anthony.
Parang sobrang involved ang netizens sa isyung ito, na kapag hindi nila nagustuhan ang komento ng iba, ang tinding panlalait at bashing ang ginagawa nila rito.
Nag-post lang si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films ng opinyon niya sa posibleng criminal case na haharapin ng dating girlfriend ni Athony na si Jamela Villanueva, pinutakti na ito ng katakut-takot na bashing.
Nakorner namin si Ian Veneracion na dumalo sa launching ng bagong series niyang Drug War: A Conspiracy of Silence noong Huwebes na ginanap sa Marina Bay Sands Expo and Convention Centre sa Singapore. Hiningan namin siya ng opinyon sa isyung ito ng MaThon dahil nakasama niya sa bagong action drama nilang Incognito.
Sabi ni Ian, “Basta ako nag-e-enjoy ako katrabaho sila, and what they do in the privacy of their bedroom is none of my business.”
Karamihan naman daw sa mga artista ay dumadaan sa mga ganitong pagsubok sa kanilang showbiz career.
“Well, fame comes the possibility always of shame. I mean, that’s the two shades of the same thing. And wala e, its part of it I guess,” pakli nito.
Pinupuri niya ang pagiging professional ng dalawa, at ‘yun ang mahalaga para sa kanya bilang co-actors niya. Labas naman daw ‘yun sa personal nilang isyu.
Nung pumutok ang pasabog na ito ng dating girlfriend ni Anthony, nag-message naman daw si Ian sa kanilang dalawa at nag-thank you naman daw sila.
Tinanong namin si Ian kung ano ang puwede niyang ipayo sa dalawa.
“Wala lang. Chill!” pakli ng aktor.
“Ikaw ba naalala mo kung sino nag-viral, you know, three weeks ago? Saka, wala e, it’s just part of it.
“‘Yun lang ang importante. And hindi ko naman maintindihan why everybody makes it their business. I mean, it’s private thing between two people. Let them be,” dagdag niyang pahayag.
Successful ang paglulunsad ng bagong true crime series na Drug War: A Conspiracy of Silence na prinodyus ng Rein Entertainment nina direk Lino Cayetano, direk Philip King at direk Shugo Praico.
Ang ganda ng feedback ng mga possible investor na dumalo sa naturang launching.
Napuno nga ang venue at parang natulala sila nang pinanood ang 10-minute scenes ng pilot episode nito.
Ang gagaling pa ng mga artista na pinangungunahan ni Ian, lalo na sina Romnick Sarmenta, Harvey Bautista, Yayo Aguila, Joem Bascon at Ryan Eigenmann.
Ang lakas ng dating ng mga eksenang ginawa ni direk Shugo na siya ring nagsulat nito.
Pagkatapos ng launching ay ang dami nang nakipag-meeting kina direk Lino for possible distribution at acquisition.
“So far we’ve been hearing feedback about maganda ‘yung quality, maganda ‘yung acting. So I think, worldwide I think, very impressed sila sa acting ng Pinoy at ito ‘yung pini-feature natin dito.
“So, there’s a lot of reaction of how good the acting was. And of course direk Shugo’s storytelling, ‘yung mounting. Kung mapapansin mo ‘di ba ‘yung paggamit niya ng mga lente, paggamit niya ng camera movements.
“‘Yun! At the end of the day, maganda na nga ‘yung kuwento, and technically, it was well-made, well-shot, well-produced,” pakli ni direk Lino na nakatsikahan namin pagkatapos launching.
Kaya natutuwa siyang marami ang gustong mag-invest sa seryeng ito.
Masaya rin si Ian na sa kanya inalok itong project na ito dahil gusto raw niya talagang makatrabaho ang mga taga-Rein Entertainment na nag-produce ng Nanahimik ang Gabi na siyang nagbigay sa kanya ng Best Actor trophy sa Metro Manila Film Festival noong 2022.