^

PSN Showbiz

Aicelle, umaasa sa himala

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Aicelle, umaasa sa himala
Aicelle Santos
STAR/File

Nakatatak na kay Aicelle Santos ang naging karanasan sa Superstar at National Artist na si Nora Aunor.

Taong 2018-2019, sa Isang Himala musical play nung panoorin sila ni Ate Guy. “Yes po, nanood si Miss Nora Aunor sa amin, at naalala kong niyakap niya kami, nangingilid ang kanyang luha. At may litrato ako, may ebidensiya, na magkahawak kami ng kamay, na kilig na kilig po ako.

“Ang naalala ko pa na sinabi niya, na nanumbalik lahat sa kanya, nung kanilang ginawa ang Himala.

“And from that, I took it as a blessing, as a yes, sa ginawa namin,” emosyonal na pagbabalik-alala ni Aicelle sa ginanap na presscon para sa pelikulang Isang Himala na official entry din sa Metro Manila Film Festival, at dinirek ni Pepe Diokno.

Kaya naman mas lalo siyang naging emosyonal dahil may special participation pa ang original Elsa sa pelikula na bubuhayin niya rito.

“Oo, talagang full support si Ate Guy sa project na ito,” dugtong ni National Artist Ricky Lee na orihinal na nagsulat ng kuwento ni Elsa.

Pero bitin pa kung anong magiging partisipasyon ni Ate Guy sa pelikula.

Ayaw naman ni Aicelle ikumpara ang pagganap niya sa ginawang pagganap ni Ate Guy sa classic version nito.

“Kung iisipin ko kung paano ba pinerform ni Miss Nora ang role, tapos ikukumpara ko kung paano ko rin ba gagawin, kung gagayahin ko ba siya o iibahin? Sa tingin ko po hindi maganda, as an actor, na ‘yun ang pagbasehan ko, kung ano ang ginawa ng nauna sa iyo. Kaya lagi kong sinasabi na balikan ang script, balikan ang karakter, balikan ang mga kaeksena mo dahil ‘yun ang bubuo ng kuwento.

“Doon mas makikita ng viewers kung sino ba talaga si Elsa. Kung ano ang kaibahan sa musical noon at dito sa pelikula? Noong musical kasi, wala kaming mga lapel, at boom mic lang.

“So, sa musical, sinabihan kami na kumanta na hanggang marinig ng tao na nasa pinakadulo.

“Sa film naman, tinanong namin si Direk Pepe, coming from theatre, na alam mong medyo malaki ang mga mata namin, naka-project ang singing…pero sa pelikula, naku-conscious kami sa camera.

“So, sabi ni Direk Pepe, ‘Sino ba ang kausap mo? Sisigawan mo ba ang kausap mo kapag magkaeksena kayo?

“So you stick to your truth. You stick to the story, the message, of the film,” mahabang sagot ng singer/actress.

Umaasa naman sila ng himala sa takilya.

AICELLE SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with