Sa mahigit anim na dekada ay iba’t ibang karater na ang nagampanan ni Vilma Santos. Para sa Star for All Seasons ay kakaiba ang kanyang karakter bilang si Eva sa pelikulang Uninvited. Isa ito sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival 2024 ngayong Kapaskuhan. Kasamahang bida ni Vilma sina Nadine Lustre at Aga Muhlach sa naturang thriller film. “When this was offered to me, age factor, I wanted a role na babagay sa akin. Also a role that will still challenge me. Ano pa character na ma-inspire ako to do it, perfect ito. Na-challenge ako doing this,” bungad ni Vilma.
Si Dan Villegas ang pangunahing direktor ng pelikula. Ngayon lamang daw naranasan ni Ate Vi na hingan ng bagong atake sa pag-arte ng isang direktor. “Heavy ‘yung movie and character na ginampanan ko. But malaking factor dito is paano ako minotivate ng director ko, si Dan Villegas. First time ako nakaramdam ng director na hinahanapan ako ng bago. If I can offer something different, not the usual. ‘Yon motivation binigay ni direk Dan. Para iba and maibigay ko a different Eva. Saka Project 8, tatlo ang director sa mga eksenang ginawa. Co-produced nila with Mentorque. Tatlo, si Dan, Antoinette (Jadaone) at Irene (Villamor). So tatlong direk tumitingin. ‘Yon challenge ko dito,’” kwento ng premyadong aktres.
May pagkakataong tumaas pa ang presyon ni Ate Vi habang ginagawa ang pelikula dahil sa matinding emosyon sa mga eksena. “Noong shinu-shoot namin ito, ‘yung BP ko umabot 140/90 dahil sa scene. Wala sila choice but to pack. I-pack up na sabi, sabi ko, ‘Hindi po!’ Ayoko kasi sila gumastos pa. We had to pack up kasi 140/90 dahil sa eksena. Pero dahil God is good, nagawa naman na ulit. I am proud of it,” pagbabahagi ng Star for All Seasons.
Uge, konekted na ulit kay Vice
Masayang-masaya si Eugene Domingo dahil muling nabigyan ng pagkakataon na makatrabaho si Vice Ganda. Mapapanood na ngayong Kapaskuhan ang And the Breadwinner Is na pinagbibidahan ng Unkabogable Phenomenal Star. “Super happy, bukod sa ang ganda ng pelikulang nagawa namin, lalo na-strengten ‘yung relationship namin. Nanumbalik ‘yung connection naming after more than ten years. This project felt perfect. It’s something I’ll never forget. And I’m so thankful to be part of Vice’s movie,” nakangiting pahayag ni Eugene.
Ayon sa magaling na aktres ay kaabang-abang ang bawat eksena sa naturang Metro Manila Film Festival 2024 entry. Para kay Eugene ay talagang pinaghandaan ni Vice ang bagong pelikula. “He prepared, doubtful but delivered 100%. Something fresh and exciting,” giit niya.
Sabik nang mapanood ni Eugene ang kabuuan ng proyekto. Ngayon pa lamang ay magkahalong emosyon na ang nararamdaman ng aktres kung paano tatanggapin ng mga manonood ang And the Breadwinner Is sa sinehan. “It’s just that sinasabi ng staff ng lahat ng aming management, na they’re very, very happy. Sila kasi ‘yung nakapanood. They’re very happy with the outcome and they’re congratulating us. So excited kami as much as you are the audience na makikita natin nang sabay sa Dec. 25,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)