Dalawa pa
Malinaw ang paliwanag ng Quantum Filmsproducer na si Atty. Joji Alonso tungkol sa pagkalat ng dating girlfriend ni Anthony Jennings ng chat nito kay Maris Racal.
Malinaw rin kung ano ang purpose ng paglabas nito ng dating girlfriend ni Anthony na si Jamela Villanueva. Sabi nga nila, “hell hath no fury, like a woman scorned”
Pero ang sabi nga ng karamihan, huwag magsulat o mag-post sa social media kapag galit o sobrang emotional.
Ito ang nangyari kay Jamela dahil para sa kanya ay napagtaksilan siya, kaya inilabas niya ang screenshots ng chat nina Anthony at Maris.
Pero hindi ito legal at may nilabag kang batas dito. Sabi nga sa FB post ni Atty. Joji Alonso, “Assuming that all the screenshots are legit, the fact remains that Maris and Anthony have committed NO crime. Their actions may be regarded as morally wrong, but they were never married to their respective partners.
“Jamela, on the other hand, may have committed at least 2 crimes with her actions – cyber libel and violation of data privacy. She cannot hide her actions under the guise of ‘moving on.’ Yes, she may have experienced pain and betrayal, but this does NOT give her the license to violate the law.
“Nemo jus sibi dicere potest.”
Ang ibig sabihin ng latin phrase na ‘yun ay, “No one should judge themselves.”
Dagdag pang paliwanag sa Google, “It is a principle of natural justice that states that no one should judge a case in which they have a vested interest.”
Kaya kung may magdedemanda man dito, huwag na tayong magulat.
Pati nga ang iba pang idinadamay kahit wala namang kinalaman sa mainit na isyung ‘yun ay pinag-iisipan na ring magsampa ng reklamo sa korte dahil sa mga nagpo-post na tila may panghuhusga sa kanilang karakter at akusahan pa silang ‘cheater.’
Hindi ko rin naman masisisi kung magsasampa sila ng kaso dahil dapat naman talagang bigyan ng leksyon ang ibang nagmamagaling sa social media.
Sa ngayon ay pinoprotektahan ang MaThon loveteam nina Maris at Anthony. Kaya mabuting huwag na muna silang isalang sa media conference ng Metro Manila Film Festival entry na kasama sila sa And The Breadwinner Is... ni Vice Ganda.
Ang latest na nasagap pa namin, tinanggal na raw ang MaThon sa lahat na promo ng pelikulang ito.
Pero may sasabihin din daw si Vice Ganda kaugnay sa isyung ito.
Mariz, pasok sa UH
Pati pala sa selebrasyon ng 25th anniversary celebration ng Unang HIrit ay may pakuwela silang post na “Mariz, loyal sa Unang HIrit!” Siyempre si Mariz Umali ang tinutukoy ‘di ba?
Pero maraming dapat ipagdiwang ang Unang Hirit na nagse-celebrate ngayong araw ng kanilang 25th anniversary.
Isa na rito si Arnold Clavio na malaki ang ipinagbago nito pagkatapos niyang malagpasan ang nangyaring hemorrhagic stroke na nangyari sa kanya.
Mas lalo siyang naging malapit sa Diyos dahil sa tingin daw niya ay may misyon pa siya rito kaya buhay pa siya.
Nung nalaman daw niyang ikamamatay niya itong nangyaring stroke sa kanya, handa na raw siyang magpaalam. Akala raw niya katapusan na niya talaga.
Kaya alam daw niya kung ano ang purpose niya rito sa lupa, kaya siya nandito pa.
Ang sabi na lang daw niya sa kanyang panalangin, “Gamitin Mo ako para ikalat ‘yung pag-ibig Mo. Gamitin Mo ako para kung ano man ‘yung gusto Mong gawin ko, suko na ako, hindi ko na kaya. Sinuko ko na talaga sa kanya.
“So itong 10 years ko iba na ‘yung pananaw ko about love, forgiveness. Talagang enjoy life lang ako. Masaya na ako na wala na ‘yung hatred… kaya hanggang sa nag-post pa nga ako, death is beautiful. Para ‘yung iba huwag matakot.’ ‘Yung attachment ba sa worldly things, wala talaga hindi ko maramdaman. Talagang biro mo aalis ako nu’n dadalawin ko ‘yung mga anak saka… dalawa na lang kasi kami ng wife ko. May mga iba pa kaming gagawin. Pero at that moment, talagang sabi ko get ready, reding-ready na. Kaya nang nandito na ako ay… hindi naman sa parang hinihiling ko na kunin ka na. Pero hindi ko ipagpalit ‘yung seconds na ‘yun na He made me feel na how important I am, how He loves me, you know. Hindi ko talaga maipagpalit,” saad ni Igan.
Ipinapaubaya raw niya lahat sa kung ano ang gusto ng Panginoon sa kanya.
“Kaya ako naman e, gagamitin ko ito to serve Him, dahil it’s talagang thank You Lord ang bait niya e,” sabi pa ni Arnold Clavio.