^

PSN Showbiz

Daniel at Richard, nadadamay sa kontrobersya ng MaThon!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Daniel at Richard, nadadamay sa kontrobersya ng MaThon!
Daniel Padilla
STAR/File

Sumabay sa mga media conference ng Metro Manila Film Festival entries ang mainit na isyu nina Maris Racal at Anthony Jennings.

Itong pasabog na isiniwalat ni Jamela Villanueva, ang dating girlfriend ni Anthony Jennings, ang pinagpiyestahan ngayon sa social media.

Trending sa X ang inilabas ni Jamela na palitan ng text messages nina Anthony at Maris. Kaya dito na naman lumabas ang galing ng mga Pinoy sa paggawa ng memes, at nagpasimuno na ng cancel culture.

Sumabay pa kasi sa launching ng Incognito at ang Vice Ganda movie na And The Breawinner Is… na kung saan kasali ang MaThon loveteam nina Anthony at Maris.

May mga nagpo-post nang huwag panoorin ang pelikula at show nila, dahil sa inakusahan na silang ‘chea­ters.’

Pati nga ang ilang co-stars nila sa Incognito ay nadamay pa.

Hindi lang si Anthony ang inakusahang chea­ters, kundi pati sina Daniel Padilla at Richard Gutierrez.

Ang narinig pa namin kahapon ay nataranta raw ang taga-ABS CBN, pati ang Star Magic kaya nag-meeting daw para pag-usapan kung paano ito i-handle.

Pareho pa namang magaling sina Anthony at Maris, pero hindi naging maganda ang imahe nila dahil sa inilabas na pasabog ng dating girlfriend ng aktor.

Pero may mga nagsasabi ring hindi tama itong ginawa ni Jamela Villanueva. Puwede raw kasuhan ang taong naglabas ng screenshot ng conversation ng ibang tao.

Kahapon nga sa It’s Showtime ay may patutsada na si Vice Ganda na maaring tinutukoy nito ang mainit na isyung ito nina Anthony at Maris.

Pino-promote kasi ni Vice Ganda ang MMFF entry niyang And The Breadwinner Is…, sinabi niyang, “Magplano kayo para sa Pasko, hindi ‘yung basa kayo nang basa ng mga ganap sa Twitter.”

Sabi pa ni Kim Chiu, “Ano ba meron sa Twitter?”

Maaaring ang tinutukoy raw nito ang pinag-usapan ding pagdeklara ng Martial Law sa South Korea na sinabayan ng pasabog ng dating girlfriend ni Anthony.

“Hindi, siyempre inabangan natin ‘yung mga nangyayari sa… dahil siyempre ang anak ko ay si Ryan Bang,” sabi pa ni Vice Ganda.

Ang dami rin daw kasing nag-alala na baka pati itong pelikula ni Vice Ganda ay madamay.

Ngayong araw ang media conference ng And The Breadwinner… tingnan natin kung dadalo ang MaThon loveteam at kung paano nila iwasan ang isyung ito.

Rob, mahina ang laban sa anak

Ngayong araw din pala ang kaarawan ng anak ni Rob Gomez sa dati niyang karelasyon na si Shaila Rebortera.

Nung nakausap namin sa Troika Talk namin sa PEP.Ph na nagpo-promote ng MMFF entry niyang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, masama ang loob niya dahil sa hindi raw umaayon sa kanya ang takbo nang ipinaglalaban niya sa korte na may kaugnayan sa kanyang anak.

“Merong movement pero not in our favor,” pagtatapat ni Rob.

“Kasi unfortunately, hindi ko alam bakit… the judge moved it twice consecutively.

“So parang nagiging one-sided. E, I only want fair judgment sana. I want time with my daughter, and that’s the only thing I want.

“And I feel like… nagiging… on the losing end ako. Kasi, hindi ko ma-present ‘yung mga pruweba ko. Mga proof ng blackmail at ng whatever kung anong maling pinalabas nung mga oras na ‘yon, kung anong klaseng istorya ‘yung nabuo.

“Nais ko sanang ipaliwanag doon sa judge na lang imbes na sa ating mga kaibigan… nabibigo lang ho ako. Sayang,” pahayag ni Rob na halatang masama ang loob nito.

May ini-reveal pa si Rob na ipinakiusap na huwag na lang isulat at baka makaapekto pa sa kasong ipinaglalaban niya sa kanyang anak.

May kinalaman din ito sa inaakusahang pag-cheat umano nito, pero iba na ang lumalabas na kuwento.

Kaya nga hanggang sa ngayon ay ayaw na raw muna niyang makipagrelasyon.

“Ayoko po. Takot na takot po ako ngayon. Kasi po, iba ‘yung ibibigay kong… sarili ko.

“Iba na ho. I don’t think I’ll be the same,” pakli ni Rob.

Two years old na raw ngayon ang anak niya, ‘yun lang ang inaasam niya sana sa ngayon.

DANIEL PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with