Gay host, ‘di napigilang mabuwisit dahil sa fan sa gutom!
Hindi marunong umangal at magmaldita ang gay host na ito kapag nakikita siya in public at kumakain. Eh wala namang ilusyon ang host na sikat na siikat kaya okay lang sa kanya na makita ng tao in public.
Eh minsan, nang kumakain si host in public, biglang may lumapit at gusto magpa-picture. Pinagbigyan siya ni host.
Pero nasundan ito ng greetings and then, shout out pa sa mga kamag-anak, huh! Hindi naman naging maramot si host.
Eh nang malaman ang pakay ng fan, gusto pa niyang bentahan ng condo si gay host! Sa parteng ito nagpanting ang tainga ni host at sinabihan na ang fan na gutom na siya at walang planong bumili ng condo dahil meron na siyang condo!
Fly away ang fan at eat galore si gay host!
Zia, pang-showbiz na ang mga kilos
Tumulo ang luha ni Marian Rivera sa rehearsal pa lang ng pagkanta ng anak na si Zia Dantes habang nasa stage at pinakikinggan ang anak.
“Pumatak ang luha ko sa panonood ko sayo habang nag rehearsal ka. Ito ang una mong pagkakataon na sumubok sa mga bagay na hindi ka pamilyar pero sinubukan mo as in literal eto ang first time mong tumuntong sa entablado para kumanta.
“Palagi mong tatandaan nandito kaming pamilya mo sumusuporta sayo hanggang kung saan ka dalhin ng mga pangarap mo.
“Sabi ko nga sayo lahat ng biyayang ito ay mula sa kanya at ialay natin sa taas. You make mama proud as always,” caption ni Yan sa social media accounts niya ng video ng rehearsal ni Zia.
Sa isang litrato nga, si Marian pa ang naglagay ng makeup sa anak, huh!
Ayaw man sa ngayon ni Yan pati ang asawang si Dong (Dantes) na pumasok sa showbiz ang panganay na anak, naku, sa ipinakikitang talento ni Zia, sa showbiz din ang bagsak niya in due time.
- Latest