Mall show ni Daniel, muntik magka-stampede

Daniel Padilla

Grabe, muntik na palang magkaroon ng stampede sa isang mall nang pagkaguluhan si Daniel Padilla sa kanyang mall show na matagal-tagal din niyang ‘di nagawa.

Obvious na nasabik ang fans sa Incognito actor base sa rami nang dumagsa sa nasabing mall show para sa kanyang latest endorsement para sa Jag BLK.

At least napatunayan niya sa nasabing event ng JAG, ang iconic denim brand na kilala sa mga revolutionary fit, de-kalidad na tela, at value for money na  inihayag ang paglulunsad ng bago nitong koleksyon ng premium line, Jag BLK Hardcore, na hindi totoo ang sinasabi ng ibang fans na lumaylay na ang career niya.

Isa pa rin talaga siya most sought-after actors of his generation, at naniniwala ang Jag na he perfectly embodies the modern and stylish appeal ng kanilang brand.

Naniniwala rin sila na ang koleksyon ng mga disenyo ng Hardcore Denim* ay sumasalamin sa pagkakagawa, tibay, at comfort na sakto sa personalidad ng Kapamilya actor na astig ang bagong role sa paparating na Kapamilya action series. “I’m thrilled to represent JAG BLK,” chika ni Daniel.

“JAG is my go-to brand. A brand that values quality, comfort, and style—things I always look for in whatever I wear,” dagdag pa ng actor.

Show comments