Fans ni Angel, nag-ingay!
Nag-ingay ang fans ni Angel Locsin matapos nilang hindi makita ang kanilang idolo sa Christmas ID 2024 ng ABS-CBN, na inilunsad noong Lunes, Disyembre 2.
Nag-expect ba silang babalik na ulit si Angel?
Trending ang #AngelLocsin sa X dahil umasa sila at naniwalang mapapanood dun ang aktres na halos dalawang taon nang namamahinga sa showbiz.
Nagpahayag sila ng kanilang pagka-miss sa aktres.
Actually, hindi lang fans ni Angel ang nag-ingay. Hinahanap din ng netizens sina Lovi Poe, Erich Gonzales, Nadine Lustre, Maja Salvador, ganundin si Angelica Panganiban.
Anyway, sa pagpapatuloy ng tradisyon nito, inilunsad ng ABS-CBN ang 2024 Christmas ID nitong pinamagatang Our Stories Shine this Christmas na nagbibigay pugay sa mga makabagong bayani na nagsisilbing ilaw at inspirasyon sa kanilang mga komunidad.
Ipinamalas sa video ang mga kwento nina JV Ambrosio at iba pang mga breadwinner sa kanilang mga pamilya, ni single-mom Elaine at ni baby Zoey na kasalukuyang lumalaban sa cancer, at ni alopecia warrior April Doria, pati na rin ang mga naging biktima nang mga dumaang bagyo.
Tampok rin ang mga kwento nina Hernando “Mang Nanie” Guanlao at ang kanyang community library, Tatay Carlos Orit at ang kanyang mga rescue na alagang aso, pati na rin ang mga sakripisyo at kabayanihan ng Philippine Navy.
Ang 2024 ABS-CBN Christmas ID ay kinanta nina ASAP icons Angeline Quinto, Erik Santos, Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez-Alcasid, Sarah Geronimo, Yeng Constantino, Zsa Zsa Padilla, It’s Showtime family at hosts Anne Curtis, Kim Chiu, Darren Espanto, Ogie Alcasid, Vice Ganda, kasama rin sina Bamboo, BINI, Coco Martin, at Piolo Pascual.
Samantala, ang 2024 ABS-CBN Christmas shirts ay available na rin for pre-order sa halagang P360.
- Latest